Kabanata 25

1.2K 31 1
                                    

Konnaire's POV

Hindi naproseso agad sa utak ko ang sinabi niya kaya natigilan pa ako ng ilang sandali bago nahihiyang umiling-iling. Iba ang naiisip niya sa actions na ginagawa ko ngayon!

"T-Tad hindi.." Umiling-iling ako. "H-Hindi 'yon, ano ka ba?"

"Then, what? Tell me. What's on your mind? I'm worried..."

Tumikhim ako bago napayuko. "N-Nahihiya kasi ako." Pag-aamin ko.

"Saan?"

"S-Sa kanina..."

"Sa?"

"Sa ginawa natin..." Mahinang sagot ko. Tama lang para marinig niya.

"What? About the kiss--?" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil mashado siyang pormal at medyo malakas ang boses. Nakakahiya kung marinig ng iba.

"Shh..." Nahihiyang suway ko. Hinuli niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya at bahagyang ibinaba 'yon. Kitang-kita ko ang pagpungay ng mga delikado niyang mata at kanyang pag-ngisi.

"I get it." Mahinang sabi niya. "You feel embarrassed because of your action earlier, aren't you?" Hindi ako sumagot at umiwas nalang ng tingin. Alam kong nakuha niya ang sagot ko dahil napatawa pa siya ng mahina. "Don't be, Konnaire. It's completely normal and I love you for doing that."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nung lingunin ko siya. "H-Hindi iyon normal!"

"It is." Bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin. "You looked like you're madly in love with me at that time so It's fine that we've done that." Seryosong sabi niya.

Napanguso ako at iniwas nalang ang tingin sa kanya. Binawi ko ang palad ko pero kinuha niya lang ulit 'yon para hawakan niya. Hindi ko naman na siya pinigilan lalo na't magkatabi lang kami at wala akong mapupuntahan dahil nasa eroplano kami.

Ilang sandali and we fall asleep. Hindi naman na ako mashadong nag-alala pa sa hiyang nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi niya. Nag-lielow ang pakiramdam ko at siguradong mawawala na rin ito, maya-maya.

Ilang oras ang lumipas at nakarating rin kami sa destinasyon. Ginising ako ni Tad before we prepared our things para sa pagbaba. And, after that, sinalubong kami ni Sano para sunduin.

Nag-usap ang magpipinsan habang kami naman ni Kath ay inasikaso ang mga bata dahil parang lantang gulay ito dahil naistorbo sa pagtulog. Madilim pa ang panahon kaya siguradong inaantok pa ang mga ito. Mabilis ring natapos sa pag-uusap ang magpipinsan at dinala kami sa sasakyan. Pinapasok agad namin ang mga bata para makapagpahinga pa. Nasa kabilang sasakyan sila Loji at Kath, kasama ang mga kapatid nito. Habang sa isang sasakyan naman ay kami nila Tad kasama si Sano.

Sa byahe namin, patuloy lang na nag-uusap ang dalawang magpinsan. Hindi naman na ako nakisali dahil about trabaho ni Sano ang pinag-uusapan nila at iba pang usapan na hindi ko maintindihan at wala akong kinalaman. Hindi rin naman nagtagal at nakarating kami sa villa na sinasabi nila, na isang tanggapan upang makapagpahinga ang mga turista.

Ang type ng Villa na 'to ay parang solo house. Malaki at classic ang design. It was like some sort of ancient house because of it's style and form. Medyo madilim pa kaya hindi ko na mashadong nakita pa ang labas but I'm sure na maganda 'yon sa pagsikat ng araw.

"Are you gonna take a rest?" Tanong ni Tad nung ihatid niya kami sa isang kwarto. Inilapag niya ang mga gamit.

"Matulog ka pa, Kiro. Dun..." Tinuro ko ang malaking kama kay Kiro at tahimik naman itong sumunod. Parang wala pa siya sa wisyo dahil kulang na kulang pa ang tulog. "Hmm, ayusin ko muna ang mga gamit..." Sagot ko kay Tad nung lingunin ko.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now