Kabanata 9

1.3K 46 8
                                    

Konnaire's POV

"Sahoooood!!" Masayang sabi ni Kath habang nagliligpit kami ng gamit.

Dumating ang araw na hinihintay namin ni Kath, ang sahod-day. Medyo napatagal ang process pero natanggap rin namin kalaunan. Kitang-kita tuloy sa mukha ni Kath ang kasiyahan dahil alam kong may mga babayaran siya na makakabawas sa problema niya.

Napangiti rin tuloy ako dahil makakapag-grocery na ako at makakabayad sa mga nautangan at kailangang bayaran. Malalabas ko na rin Kiro at naeexcite na akong makita ang kasiyahan sa mukha niya.

"Tara, tara!" Hinila ako ni Kath pagtapos namin mag-ayos.

Nakakatuwang isipin na maaga ang out ng mga workers ngayon dahil holiday. Hindi ko nga alam na meron palang ganon e. Ang alam ko, kahit holiday, regular ang pasok mo but, anyway, pabor naman sa amin kaya hindi na ako magrereklamo.

Nakakatuwa rin malaman na bukas day-off namin ni Kath kaya makakapag-relax kami sa pagtatrabaho.

"Ingat, Sir. Ingat po.."

"Ingat po..."

"Happy Holiday po.."

Napalingon kami ni Kath nung matanaw sa lobby si Taddeo. Binabati siya ng mga worker habang nag-uusap sila ni Lojiko.

Napalingon siya sa banda namin kaya agad kong iniwas ang tingin ko. Dumiretsyo kami sa exit ni Kath at tinuloy-tuloy na ang balak na umuwi. Naghiwalay rin kami kalaunan ni Kath dahil magkaiba na ang daan namin.

Hindi rin kaagad ako dumiretsyo sa bahay, pinuntahan ko ang mga pinagkaka-utangan ko at binawasan 'yon para hindi naman ako sobrang mastress pa. Hindi rin naman ganon kalaki ang mga hiniraman kong pera kaya natutuwa talaga akong malaman na may matitira pa sa sahod ko.

Dumaan rin muna ako sa palengke para bumili ng pang-gabihan namin ni Kiro. Binili ko ang favorite niyang ulam at napagpasyahan na bukas nalang mag grocery habang ginagala ko siya. Sure naman akong wala rin siyang pasok dahil weekend na.

"Aga uwi!" Bungad ni Kiro sa akin nung makauwi ako. Nakapwesto na naman siya sa sala habang nanonood. Sabagay, dinala ko talaga yan galing sa dati naming bahay para sa kanya.

"Nood ng nood ah. Tapos na ba ang assignment mo?" Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Ibinaba ko ang bag ko at dumiretsyo sa kusina para simulan ang pagluluto. Dumidilim na rin kasi.

"Hmm, konti lang naman 'yon kaya natapos ko na.."

"Mabuti. Ano namang ginawa mo dito sa bahay ngayong araw?" Pagtatanong ko sa nangyari sa kanya.

Nagsimula siyang magkwento at nag-enjoy naman ako sa pakikinig. Mas gusto ko kasing nag-oopen siya sa akin para alam ko ang mga nangyayari sa kanya at pakiramdam niya.

Naubos ang oras namin sa kwentuhan at panonood habang nag-gagabihan. Sinabi ko rin sa kanyang gagala kami bukas kaya nakita ko ang inaasahan kong emosyon sa mukha niya. Excited siyang mag-ayos ng susuotin bukas at excited na matulog para makagala na kami.

Medyo malalim na ang gabi nung matapos kong maayos ang mga kalat na pinag-gamitan namin. Nilista ko rin ang mga bagay at pagkain na igo-grocery ko kaya nagready na rin akong matulog.

Chineck ko muna si Kiro sa kwarto niya bago ako dumiretsyo sa kwarto para matulog pero nagtaka akong makitang umiilaw ang cellphone ko kaya nilapitan ko 'yon.

Namilog ang mata ko nung makita kung sino ang tumatawag.

Si Taddeo!!

I felt the nervousness striking my body. Hindi ko 'to inaasahan. Ano kayang meron? Ano kayang itatanong niya? Ano kayang kailangan niya? Bakit siya tumawag? Shit. I felt the excitement and tension in my entire system. Matagal-tagal rin kaming hindi nagkausap ng maayos at hindi nagpansinan. Sasagutin ko ba?

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now