Kabanata 33

909 29 2
                                    

Konnaire's POV

"Umuwi ka na agad kung gusto mo pang makitang buhay ang kapatid mo, Ragah."

Pagtapos sabihin ng nasa kabilang linya 'yon ay tinakbo ko na ang daan papalabas ng company. Pinatay agad nito ang tawag kaya nanginginig at umiiyak akong naghahanap ng masasakyan para makauwi.

Nung makasakay ako sa isang taxi, napasapo ako sa ulo ko dahil sa matinding pag-aalala. Paulit-ulit kong kino-contact sila Auntie pero hindi ito sumasagot.

I already knew it.

Sa boses palang kanina, nakilala ko na kung sino ang mga bastardong gumugulo sa buhay ko.

Siya ang isa sa mga nang-harassed sa akin back when I'm working as a therapist. They are the one who always texted and hooked me for bed. Hindi nila ako tinatantanan noon pero natigil yun nung nagpalit na ako ng sim.

Hindi ko alam na aabot sa ganito ang lahat. D-mn it!

"Okay lang po kayo, Mam?" Nag-aalalang tanong ng driver.

Umiling-iling ako habang pinupunasan ang mukha dahil sa kakaiyak. "Sorry po... Sorry po.."

"Ano po bang nangyari, Mam?"

Umiling-iling ulit ako. "M-May nangyari po kasi sa kapatid ko..."

"Kung ganon, Mam. Kailangan niyo ng tumawag ng tulong kung nag-aalala kayo ng matindi. Umiiyak po kayo e..."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng driver.

That's right!

Nagka-hint sa utak ko kaya mabilis akong tumawag sa police para humingi ng tulong. This is very important and I hope they can get there as soon as possible!

After ng ilang oras rin at nakarating na kami sa destinasyon. Tinakbo ko ang daan papuntang apartment namin habang nagdadalangin na sana walang nangyaring masama sa pamilya ko.

"Ragah..."

Bago pa ako makarating sa apartment, napahinto ako nung may tumawag sa akin. Pamilyar ang boses niya kaya hindi ko na kailangang magtanong kung sino ang hayop na 'yon.

Nasa madilim silang part ng eskinita sa bandang bukanang daan papunta sa apartment. Dalawa silang nakasandal sa pader habang nakaharap sa akin. Isang naninigarilyo at isang pinaglalaruan ang isang baril sa kanyang palad.

"Naalala mo pa ba kami?" Bahagyang humalakhak ang isa at marahang naglakad papalapit sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Sir Tolentino. Humigpit ang kapit ko sa aking bag habang nagkukunwaring matapang sa harapan nila.

"N-Nasaan ang kapatid ko?" Malumanay at pilit na tinatatagang loob na tanong ko.

Huminto si Sir Tolentino sa paglalakad at bahagyang nilingon ang isang kasama niyang naninigarilyo, kung hindi ako nagkakamali, siya si Sir Garcia. They are both my supervisor back when I'm a therapist.

Pareho silang humalakhak at umiling-iling.

Napapikit ako nung tinulak-tinulak rin ni Tolentino ang sentidido ko gamit ang hintuturo niya. "Tanga-tanga..." Aniya. Hininto niya ang panunulak ng ulo ko at humalukupkip sa harapan. "Hindi ka nag-iisip. Napaka-kitid ng utak mo..." Humalakhak ulit silang dalawa.

Naiiyak kong tinignan si Sir Tolentino sa harapan ko. "A-Anong ibig niyong sabihin?"

"Niloloko ka lang namin, nagpaniwala ka naman agad..." Humalakhak ulit sila. "Malay namin kung nasaan ang kapatid mo?"

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now