Konnaire's POV
Mabilis ang naging pangyayari. Tumumba si Ram dahil marahas siyang sinuntok ni Taddeo na humahangos sa galit.
Hindi maganda ang pakiramdam ko dito!
Taddeo is already on his maniac presence. His eyes are filled with aura of darkness. Para bang pinikon siya ng kung sino. Mabibigat ang paghinga niya at ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko.
"T-Tad, ano ba?" Dinig ang matinding pagkagulat at takot sa boses ko.
I stunned when he glance at me. He looks very peril. Hindi ito tulad ng mga galit niya dati. "What's the meaning of this, huh?" His tone filled with accusations.
Napalunok ako. "H-Hindi 'yon tulad ng iniisip mo---"
"F*ck, Ram, anong nangyari?!" Biglang may sumulpot na lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, baka ito na ang pinsan na sinasabi ni Ram kanina.
Pinunasan ni Ram ang labi niya na mukhang pumutok dahil sa pagsuntok ni Taddeo. Tinulungan siyang tumayo ng pinsan niya kasabay ng pagpagpag niya sa katawan niya.
Magkasalubong ang kilay ni Ram nung harapin si Taddeo. "Anong problema mo?" Kalmadong tanong niya.
Lalapit sana ako sa kanya pero napabalik ako sa side ni Tad dahil hawak-hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko.
"Does it feel good hugging someone?" Sarkastikong tanong ni Tad kay Ram.
"Taddeo, ano ba?!" Asik ko.
Ram flinched. "You looked familiar."
"Omy, what happened?" Mahinang tanong ni Celestine na nasubsob na sa table.
Hinanap naman ng mata ko si Kath at naabutan ko siyang nasa harapan ni Lojiko. Hawak-hawak ni Lojiko si Kath habang salubong ang kilay na may sinasabi sa kaibigan ko.
Gumala pa ang paningin ko at may iilan ng nanonood sa amin kaya mas lalo akong naalarma. "Tad..." Bulong ko.
"Daze, settle things somewhere private. Mauuna na ako..." Seryosong paalam ni Lojiko. Nilingon niya ako at itinaas ang kamay para ipakita sa akin ang kamay ni Kath na hawak-hawak niya. "Ako na maghahatid kay Warrie." Tukoy niya kay Kath.
"H-Hindi! Sasabay ako kay Konnaire! Bitawan mo ako!" Rinig kong pagrereklamo ni Kath.
"Stop being so stubborn, Warrie. D*mn it!" Hindi na hinintay pa ni Lojiko ang sagot ko at hinila na niya paalis sa lugar si Kath.
Nilingon ko naman si Ram na nanatiling nakikipag-matigasang tingin kay Taddeo.
"Tad---"
"Let's go." Hinila niya ako papaalis sana pero nagpumiglas ako.
"S-Sandali, Tad! Kakausapin ko lang si Ram-- please..."
"Stop resisting!"
"Sandali--- Ram! Sorry! sorry! Mag-usap nalang tayo next time! Pasensya na!" Pahabol kong sabi kay Ram na parang nagtataka sa actions namin. Napalingon ako sa bandang gilid niya at namilog ang mata ko nung makita si Celestine na mukhang tulog na sa table. "Wait---Tad! Si Celestine!" Nilingon ko siya at parang wala pa rin siyang naririnig.
May ilang napapatingin sa amin kaya naiilang akong napayuko dahil si Taddeo ang kasama ko. Mabuti nalang at parang sanay naman na makakita ng mga bigtime na tao ang mga nandito ngayon. Tuloy pa rin ang malakas na music at sayawan ng karamihan kaya parang makakahinga pa ako ng maluwag.