Konnaire's POV
Kinabukasan, naabutan ko si Tad na natutulog sa sofa. Nagising ako dahil nakapa ko siyang wala sa tabi ko kaya hinanap ko siya at naabutan ko siya dito sa sala. Naisip ko kung ano ang reason para gawin niya 'yon at para namang umusok ang pisngi ko dahil naalala ang ginawa ko kagabi.
I kissed him on his cheek to assure him of what he was thinking about. Hindi ko rin alam kung bakit 'yon ang naisip kong paraan para maibsan ang pag-ooverthink niya kaya nahihiya talaga akong maalala 'yon ngayon.
Pumasok ako sa banyo at ginawa ang morning routine pagtapos dumiretsyo ako sa kusina para magsaing at magluto ng pang-umagahan namin. Tinawagan ko rin si Kiro para sabihin na may lakad kaming dalawa ni Tad kaya pwede siyang magtagal-tagal pa kila Wayne. Hindi niya sinagot kaya tinext ko nalang dahil baka tulog pa siya.
Habang hinahalo ang niluluto, nakaramdam ako ng presensya sa likuran ko kaya pumihit ako papaharap--- kasabay ng yakap ni Taddeo.
"Morning..." Aniya.
"T-Tad.. Morning..." My heart races. Naalala ko na naman ang ginawa ko kagabi kaya napaiwas ako ng tingin at nahihiyang bahagyang tinulak siya. H-Hindi pa ako tapos magluto..."
Humiwalay siya sa pagkayakap at sinulyapan ang niluluto ko. "Smells nice..." Papuri niya. Kabado akong nakatingin sa kanya. Naalala niya kaya ang ginawa ko kagabi?
"U-Uh, umupo ka muna..." Turo ko sa dining pero sa halip, dumiretsyo siya papuntang banyo.
"Can I use your bathroom?" Paalam niya.
Tumango ako. "O-Oo, sige lang..."
He stared at me intently before softly giggling. Tumalikod siya at pumasok na sa banyo. I'm very nervous and awkward habang mukhang maganda naman ang araw niya. His presence is lightened and he looks in a good mood.
Tumakbo ako sa kwarto at naghalukay ng bagong tuwalya. Bumalik rin ako agad sa kusina at dumiretsyo sa tapat ng banyo.
Kabado akong kumatok. "U-Uh, wala kang dalang tuwalya--- meron ako rito..."
Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa akin ang basa niyang mukha at katawan niyang walang damit. "Great timing, Hun. My shirt got wet..."
First time kong makita ang katawan niya nung binigyan ko siya dati ng therapy and I'm quite surprised that he could still maintain his masculine body.
I'm quite astonished but still recover fast to maintain my posture. "Nasa kotse mo ang damit mo, diba? Gusto mo ba kunin ko?"
Umiling siya at inabot ang binigay kong tuwalya. Pinunas niya sa mukha 'yon at lumabas. "Nope. I'm done washing my face, anyway. Ako na ang kukuha mamaya kapag maliligo na..."
"Hm, ano pala oras alis natin?"
Sinampay niya ang tuwalya sa balikat niya at nagpumewang. "Not too early."
Tumango ako. "Oo, hindi pa naman open ang mga mall sa ganitong kaagang oras, diba?" Tanong ko at bumalik sa niluluto.
Sumandal siya sa part ng lababo na katabi ko lang at humalukipkip habang pinapanood ako. "Where's Kiro?"
Pinatay ko ang stove at kumuha ng mga plato. "Nasa kaibigan niya. Nag-overnight..." Inagaw niya sa akin ang mga plato at siya na ang nag-ayos sa lamesa. "Ako na..." Suway ko pero Inilayo niya sa akin 'yon kaya nagproceed nalang ako sa pagkuha ng ulam para ilatag na sa lamesa.
"Lagi niya bang ginagawa 'yon?" Tanong niya.
"Hindi naman lagi pero madalas.." Inilapag ko ang pagkain sa lamesa at dumiretsyo sa fridge para kumuha ng tubig. "Si Wayne lang kasi ang kaibigan 'non. Wala rin naman siyang ginagawa dito sa bahay kaya lagi silang naglalaro..."