Konnaire's POV
Kinabukasan, ako lang mag-isa sa bahay.
Tulad ng sinabi ni Kiro kagabi, pupunta siya sa kaibigan niyang si Wayne para maglaro sila. Naiwan naman ako dito sa bahay para maglinis, maglaba at kung ano-ano pang pwedeng gawin bago ako pumasok bukas.
"Pinapalayas ako sa bahay amp*ta. Badtrip! Badtrip!" Reklamo ni Kath sa kabilang linya.
Natapos naman na akong gumawa ng mga gawaing bahay kaya pasado alas-tres ng hapon, nakaupo nalang ako habang nanonood ng tv. Tumawag si Kath kaya heto kami ngayon.
"Nag-away na naman ang mga magulang mo?" Tukoy ko sa mga step-guardian niya.
"Oo, nakakainis. Naririndi na ako sa kanila. Taon-taon nalang nilang sinasabi sa akin 'yan. Hindi ba nila alam na kapag umalis ako, mas mahihirapan sila? Ang daming utang dito tapos yung mga kapatid ko pa, umaasa sa akin..." Narinig ko ang bigat ng paghinga niya. "Hindi ko pwedeng iwanan 'to..."
Nanlumo ako para sa kanya. "T-Teka--- Nasaan ka ba ngayon? Anong plano mo?"
"Lumabas ako sa bahay. Ang toxic e. Papalamig muna ako. Lilipas rin 'yon. Titiisin ko muna..." Aniya.
Bumuga ako ng hangin. "Bakit sa tingin mo ganyan ang mga magulang mo?" Mahinahon kong tanong.
"Ewan ko sa kanila. Pinagsasabihan ko kasi sila lagi na gamitin sa maayos yung mga perang binibigay ko pero mukhang hindi nakikinig at gusto lang ipangsugal. Si Tatay naman, hindi ko alam kung saan niya ginagamit..."
"Eh, bakit mo ba kasi sa kanila pinapaiwan yung pera?"
"Sa kasunod ko ngang kapatid binibigay e. E, kaya lang, nagsumbong sa akin. Kinukuha raw nila Nanay at Tatay sa kanila yung pambili ng pagkain kaya ayun, dalawang beses lang pala 'to magsikain sa isang araw, minsan isa pa raw. Leche!" Narinig ko ang pagmumura niya sa kabilang linya. "May trabaho ako e. Wala talagang titingin sa mga kapatid ko..."
Hindi ako nakasagot.
Ang hirap ng buhay ni Kath. Hindi ko nga alam kung bakit ganon ang mga step-parents niya. Hindi nila alam na napakaswerte na nila kay Kath dahil sobrang dami nitong pinagtatrabahuan para lang maitaguyod sila sa araw-araw kahit hindi niya obligasyon 'yon.
Sa totoo lang, pwede niyang layasan ang mga taong kasama niya ngayon sa bahay dahil simula't sapul, hindi naman niya ito kaano-ano. Lagi siyang kinakawawa at inaabuso. Lagi siyang pinagsasabihan na lumayas at kung ano-ano pa pero dahil mabuting tao si Kath, hindi niya kayang gawin 'yon.
Ilang oras pa kaming nag-usap ni Kath bago siya nagpaalam na babalik na sa kanila. Bahagya naman akong nanlumo para sa kanya dahil wala akong mashadong magawa para matulungan siya.
Saktong pagtapos namin mag-usap ni Kath, nagtext naman si Celestine kaya agad ko 'tong tinignan.
'Konnaire, let's go to bar. I want to drink...'
Napabuntong hininga ako sa text niya at nagreply.
'Sorry, Celes. Alam mo naman si Kiro, bawal ko iwanan. May pasok na rin ako bukas kaya bawal ako mag-alak e..'
Nakatanggap agad ako ng reply.
'Tsk, you always making excuses. That's fine. Lagi ka namang ganyan e, nakakainis na. I have my others friends naman..'
Namilog ako sa sinabi niya at bahagyang nagitla. Nagtipa ako ng reply dahil medyo nasaktan ako sa sinabi niya at parang naguilty ako.
'Sorry talaga, Celes. Ita-try ko sa susunod. Bawi ako sayo, pasensya na...'