Konnaire's POV
Ilang minuto ang lumipas at nanatili kaming namamahinga sa kotse. Ganon pa rin ang posisyon namin ngunit hindi na ako makatitig ng matagal sa kanya dahil sa kahihiyan.
Wala pa yata siyang balak na magdrive so nanatili kami sa madilim na daan na 'to.
"H-Hindi pa ba tayo babalik?" I'm trying to sound fine. Kinukutkot ko ang suit niya sa bandang dibdib at dun lang itinuon ang atensyon. Hindi ko pa kasi kayang makipagtitigan ng matagal sa kanya lalo na't may nangyari sa pagitan naming dalawa na hindi ko kailanman inaasahan at naiisip.
Kapag naalala ko 'yon, automatikong umiinit ang pisngi ko. Hindi ako sobrang ganong kainosente para hindi malaman ang ginawa niya sa akin pero hindi ako galit. Alam ko sa sarili kong ginusto ko rin 'yon.
"I just want us to be alone in the meantime. Just give me a minute..." Malambing na sabi niya. Ramdam ko na nasa akin ang paningin niya kahit hindi ko siya tinitignan.
Ngumuso ako. "Parang ang bilis nung sayaw niyo ni Jessa..." Pag-alala ko. "... parang hindi kayo sumayaw."
"Hm, we actually did not dance.."
"Bakit?"
"Her friends wants to take a picture." He heavily sighed. "But, I've not given them the permission to do the thing. I hope I settled things fine with them."
"Bakit? Picture lang naman..."
"I'm not a celebrity."
"Pero, popular ka..."
"I'm not."
"Kasi fighter ka e..." Sinulyapan ko siya saglit.
He pursed his lips at hindi na nakipagtalo pa. He reached my forehead and gave me a kiss. Napapikit ako nung gawin niya 'yon. Ini-angat niya rin ang mukha niya at hinuli ang paningin ko. Pareho kaming ilang minutong nagtitigan bago siya nagsalita.
"If..." Naputol ang gusto niyang sabihin. Parang nag-aalangan siya kung sasabihin niya ba o hindi.
"Ano?" Pagpa-paulit ko sa kanya.
I heard his problematic sighed. Bahagya niyang inayos ang posture ko at upo niya. Sumandal siya sa upuan niya habang inayos ko naman ang upo ko at nilingon siya.
He pinched the bridge of his nose at bahagyang salubong ang kilay niya na para bang masakit 'yon.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong nangamba. "Tad..."
"I am."
"Ano bang gusto mong sabihin? May problema ba?"
"No. Not at all..." Tinigil niya ang pagpipindot sa bridge ng kanyang ilong at mapupungay ang matang tinitigan ako. "I'm just wondering if..."
"If?"
He sighed heavily. "If I'm gonna propose..." Bahagyang humina ang boses niya at kakikitaan ng takot at pangamba ang mata niya.
"Propose ng alin?"
"Marriage."
Natigilan ako.
Kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
Parang biglang may sumabog na kasiyahan sa sistema ko dahil sa sinabi niya. Bigla ko rin naisip at naimagine ang maari naming gawin sa isang bahay katulad ng ginagawa ng mag-asawa. Ang pag-aalaga ng bata, pag-hihintay ko sa kanya sa pag-uwi niya ng bahay galing trabaho, ang paghahanda ko ng pagkain niya bilang asawa--- lahat.