Konnaire's POV
Kasalukuyan kaming bumabyahe papunta sa Racuh A Payaman aka tinatawag nilang Marlboro. Maganda raw na tanawin 'to dito sa Batanes at talagang binibisita ng mga turista.
"Are you okay?" Tanong ni Tad.
Ngumiti ako at tumango. "Oo naman..."
Sa totoo lang, kanina pa kami nakapagpaalam sa mga Conquero para bumisita sa mga lugar dito sa Batanes pero parang lumilipad ang isip ko dahil sa message na natanggap ko. Hindi naman ako sobrang namomroblema pero napapaisip ako kung bakit may nagsend sa akin ng ganon at ang weird pa ng message.
Kinakalimutan ko na nga dahil sabi ni Kath baka spam lang or nantitrip na mga bata kaya lang napapaisip ako dahil konektado sa akin ang picture na 'yon. Hindi ko rin alam kung paano nalaman ang number ko. Hindi ko alam kung coincidence lang ba talaga o ano na. Hindi ko na nga rin nasabi kay Tad dahil hindi naman importante at ayaw ko siyang mag-aalala.
Iwinaksi ko sa isip ko 'yon nung makarating kami.
Nung nakarating kami sa Racuh A Payaman na sinasabi nila ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa tanawin. Malakas ang hangin at maganda ang panahon na hindi ganon sobrang init.
Natutuwa akong pinicturan si Kiro at pati na rin si Tad. Ayaw niya pa nga sumunod ng una pero mabuti naman napilit ko.
"Naks, may nagtitinda ba ng Marlboro dito? Ba't marlboro name ng lugar?" Pagbibiro na naman ni Kath.
Racuh A Payaman is also known as Marlboro. Two names. Dalawang bansag.
"Bili niyo nga ako marlboro red hahaha!" Humalakhak si Kath kaya natawa rin ako. Lumapit sa kanya si Lojiko at natatawang pasimpleng kinagat ang balikat nito. "Aray ko! Hayop! Putek talaga, aswang yarn?" Pang-aasar ni Kath kay Lojiko pero natatawa lang itong niyakap siya.
"Pictura-an ko kayo!" Pagbubulontaryo ko sa kanila at lumapit para kunin ang cellphone nila.
"Ayoko! Baka kumalat sa social media ang maganda kong mukha edi nadiscover pa ako?" Pagbibiro ulit ni Kath at pilit na tinatanggal ang yakap sa kanya ni Lojiko pero hindi niya magawa. "Aray! Huy! Bitaw!" Asik niya kay Loji pero hindi siya nito pinapansin.
Inabot sa akin ni Lojiko ang cellphone niya. "I hope you don't mind." Aniya sa akin.
"Walang problema. Pose!" Utos ko nung makalayo. "Kath!"
"Ayoko, time-first lang!"
Humalakhak ako. "Tingin ka na dito! Pose kayo!"
"Warrie, let's go. One-take, please?" Panunuyo ni Lojiko.
"Arte. Sige, bilis!" Umikot pa ang mata ni Kath kaya natawa ako.
Tumayo ng maayos si Kath at ngumiti habang si Lojiko naman ay pumwesto sa likuran ni Kath habang nakayakap. Ngumiti silang pareho bago ko iclick ng iclick ang camera. Nag-peace sign rin si Kath at nag-iba naman ng tingin si Lojiko. Nakatingin lang ito kay Kath kaya kinuhaan ko sila ng litrato.
Natutuwa akong lumapit sa kanila pagtapos para iabot kay Lojiko ang cellphone.
"Thanks..." Aniya sa akin at tinanaw si Kath na pinakawalan niya ng yakap. Tumungo ito sa mga kapatid niya na nagtuturo-turo ng view kaya agad namang sumunod sa kanya si Lojiko.
Hindi ko talaga alam kung bakit hindi sila mag-in relationship e parang magcouple sila kung titignan..
Nagkibit-balikat ako.
Sabagay, wala naman akong alam sa kanila.
"Do you like the view?" Naramdaman ko ang yakap ni Tad sa likuran ko.