Konnaire's POV
Ramdam ko ang dobleng takot na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung paano ko pa siya mabibigyan ng treatment kung ganyang nakakatakot ang presensya niya at mukhang damay lahat sa init ng ulo niya.
Ganito ba talaga siya kaagresibo?
Napapiksi ako nung mabibigat ang paa niyang lumabas ng ring at nagtungo sa direksyon ko.
Napaatras ako ng kaunti at napahawak ng madiin sa hamba ng uniform ko dahil sa nerbyos sa kanya. Pakiramdam ko, tapos na ang buhay ko kapag naabot niya ako.
"Stop him!"
"Taddeo, ano ba?!"
"Hey, Conquero stop messing around!!"
Nakapag-pasalamat ako ng matindi nung pigilan siya ng mga taong nandon.
Iilang agwat nalang ang pagitan namin pero nanatili ang kaba ko sa mukha niyang bwisit na bwisit talaga. Para bang may malaki akong atrasong ginawa sa kanya para pati ako madamay.
"Ano ba?! Hirap na hirap kami sa pagiging ganito mo! Huwag mong idadamay si Ms. Ragah dito!" Humarang sa pagitan namin si Sir Edgar. "Stop being so aggressive on anything and anyone!"
Nanatili akong nakatiklop.
Hindi maputol-putol ang titigan namin ni Taddeo kahit nasa harapan na namin si Sir Edgar.
He looks dangerous and almost brutal. His eyes giving off an aura of darkness. Hindi ko alam kung paano ko natatagalan ang tingin sa kanya ngayon. Para na akong naestatwa dahil sa takot sa kanya.
Akma siyang magsasalita pero hindi niya matuloy. Gusto kong marinig ang problema niya sa akin para sugurin ako bigla pero hindi niya matuloy at magawa.
At sa mga oras na 'yon, hindi ko na mapigilang umiyak. Naiyak ako sa sobrang takot sa kanya ngayon.
Nakita ko ang kaunting gulat na nagbago sa ekspresyon niya habang nakatingin sa akin. Ilang segundo siyang pinagmamasdan ang mahinang pagluha ko bago niya inalis ang tingin sa akin at galit na binawi ang katawan niya sa mga umaawat sa kanya.
Tumalikod siya at pumasok sa kwartong pinagbihisan niya.
Nakahinga naman ng maluwag ang lahat.
"I'm so sorry, Ms. Ragah. Are you alright?" Harap sa akin ni Sir Edgar.
Bumalik ako sa wisyo at pinunasan ang luha ko. Nandito pa rin ang nerbyos pero wala na akong ibang rason para iyakan siya. Nakakatakot lang talaga ang presensya niya at buong pagkatao niya.
Hindi ko alam na may ganon palang kalalang tao. Malalang anger issue at agresibo. Paano kaya kung naabot niya ako? Maiiyak talaga siguro ako ng sobra kung masasaktan niya ako. Sa laki niyang 'yon? Sinong hindi matatakot?
"Pasensya na po kakarating ko lang. Ano kayang nangyari?" Sabi ko pagtapos kong punasan ang sarili. Nanatili namang nakatingin at nag-aalala ang lahat sa akin.
"Pasensya na talaga. Mabilis kasi talagang magalit si Taddeo. Napaka-iksi ng pasensya niya at pati kami nahihirapan siyang ihandle..." Bakas ang kahihiyan kay Sir Edgar.
"Okay lang po. Natakot lang talaga ako kasi lalapitan niya ako.." Hilaw akong tumawa kunwari.
"Hindi ko nga alam don e. Hindi naman siya dati ganyan. Wala kang ginagawa pero parang pati ikaw, idadamay niya. Naku! Kakausapin ko nga saglit!" Nahihiyang sabi niya at umalis na para sundan sa kwarto si Taddeo.
Lumapit naman ang isang lalaki sa akin. Trainer ata.
"Okay lang po ba talaga kayo Mam? Nakakatakot talaga 'yon si Taddeo. Hindi namin alam kung bakit parang sobrang badtrip niya..." Anito.