Konnaire's POV
Dobleng kaba ang nararamdaman ko nung nasa byahe na kami. Andaming magagandang tanawin ang nakikita ko sa byahe pero mas napupukaw ng atensyon ko ang pupuntahan namin ngayon kung saan makakaharap ko ang mga Conquero's.
"Ate, ang ganda mo..." Pang-aasar na naman ni Kiro sa likuran kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"He's right." Gatong pa ni Taddeo kaya sinamaan ko rin siya ng tingin at binawi ang palad ko na hawak-hawak niya habang nagmamaneho. Natatawa niya lang na kinuha ulit ang palad ko.
Kapag paulit-ulit nilang sinasabi, parang mas lalo akong nagooverthink na hindi maganda ang itsura ko sa harapan ng pamilya ni Tad. Imbis na matuwa, naooffend na ako sa paulit-ulit nilang pagpuri, parang nang-aasar nalang tong dalawa e.
"My girlfriend is beautiful, right? Kiro?" Tanong pa ni Tad kay Kiro.
Tinignan naman ako ng nanunuksong tingin ni Kiro. "Uy! Shempre naman Kuya! Yiiiie!" Humalakhak siya kaya mas lalo lang akong narindi sa kanila at kinabahan.
Isa pa pala 'yan, pagbaba ko sa living room ng villa kanina, tinignan ako ng nanunuksong tingin ni Kiro. Iyon pala, nasabi na ni Tad sa kanya na in relationship kaming dalawa. Wala namang problema sakin 'yon dahil may balak naman na talaga akong sabihin kay Kiro, naghahanap lang ako ng tyempo.
Sumabay lang sila sa problema ko ngayon dahil nagsanib pwersa ang kakulitan nilang dalawa na mas nagdadagdag ng kaba sa akin sa pagharap sa pamilya ni Tad.
Shoot! Sana naman maging okay ako sa kanila!
Hours passed and we finally arrived in a large mansion here in part of Uyugan na sinasabi ni Tad. It's a place na part pa rin ng Batanes. Ito pala yung sinasabi ni Tad na bahay ng buong pamilya ng Conquero. Para siyang gathering house ng pamilya nila pero ang tunay na house ng kada pamilya ay nasa Basco.
"We're here..." Lumabas kami ng kotse ni Tad.
Bumungad sa amin ang iba't ibang kotse na maayos na nakapark sa harapan ng mansion. Mas naagaw ng atensyon ko ang malaking cast stone fountain basin sa gitna dahil maganda ang disenyo nito at malaki.
The place is very open and broad. Halos wala mashadong bahay na nakatayo dito bukod sa kanila. Sobrang tahimik ng lugar at napaka-maaliwalas tignan. Masarap ang simoy ng hangin at parang nakaka-refresh ang lugar.
"Uwi na kaya muna ako?" Napalingon ako kay Kath nung marinig ko siya habang nakangiwing nakatingin kay Lojiko. Sinamaan siya nito ng tingin bago siya mag-peace sign. "Charot! Eto naman galit agad hehe..."
Nahihiya ko namang nilingon si Tad sa tabi ko. "Ayos lang ba yung suot ko? Saan may malapit na banyo rito?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Why?"
"Gusto kong ayusin ang sarili ko..."
"Don't be too nervous, love. Everything's gonna be fine. They will like you."
"Nahihiya ako e..." Kinagat ko ang ibabang labi ko sa kahihiyan.
Umiling-iling siya at hinalikan ang pisngi ko. "You look fine, Darling."
"Daze, let's go. Hahabol daw si Sano." Agaw ni Lojiko sa atensyon namin habang pinapasok niya sa bulsa ang cellphone niya. "Warrie, kids, let's get inside." Anito.
Naunang naglakad papasok sina Kath, sumunod naman kami sa kanila.
Pare-parehas kaming tahimik nung makapasok sa malaking pintuan ng malaking bahay nila. Behave ang mga bata at ganon rin kami ni Kath. Para kaming natatakot na may mabasag sa maganda at malaking bahay na 'to.