Konnaire's POV
Kinabukasan,
"Ragah, pinapatawag ka sa office ng CEO. You can bring Lagon if you want daw..."
Nagkatinginan kami ni Kath. If you guys are confused. Lagon is Kath. She's Warrie Kathy Lagon.
It's our already breaktime at lalabas na sana kami para kumain nung makita kami ng manager namin. Pareho kaming nagtaka ni Kath dahil wala kaming idea kung anong gagawin namin don.
"Anong gagawin natin don? Makikipag-usap sa multo?" Humalakhak si Kath.
CEO office is probably vacant pero kung pumasok 'siya', siguradong may tao nga. Sino namang ibang magpapatawag samin at sa office pa ni Taddeo? This is not good. Pumasok kaya siya? Hindi pwede, may sakit pa siya. Sinabi ko kagabi na magpahinga siya e.
"Yosi na yosi na ako. Nangangati na ang lalamunan ko dahil sa stress beh..." Humalakhak si Kath sa tabi ko habang sabay kaming naglalakad sa hallway kung saan ang office ni Taddeo. "Hindi naman ako required dito. Baba na ako, ah?" Pagpapaalam sa akin ni Kath pero inis ko siyang nilingon kaya humalakhak siya. "De, joke lang. Ito naman napaka-seryoso. Shempre, sasamahan kita..."
Bumusangot ako.
"Sino ba kasi tao don? Nakauwi na ba si Sir? Baka pinagtitripan lang tayo ni Manager ah. Isasaksak ko sa kanya yung sigarilyo kapag scam 'to..." Iritang tanong pa ni Kath pero hindi ko na siya sinagot.
Tumapat kami sa pintuan ng office ni Taddeo at kinatok ito.
"Come in..." Sagot sa loob. Nagkatinginan muna kami ni Kath bago ko in-open ang pintuan.
Pagkakita ko sa loob, napabuntong-hininga ako.
He's here.
Kagabi, pagkaalis nila at pagkabalik ko sa kwarto, nagmessage agad siya. Pinaalalahanan ko siyang uminom ng gamot at magpahinga. Sinabi niyang susundin niya pero tignan mo nga naman, nandito siya ngayon sa swivel chair niya na prenteng nakaupo.
Tumayo siya at lumapit sa amin. "Hi..." Ngumiti siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko na naman ang naisip ko kagabi.
Hindi na tuloy ako komportable sa kanya.
"Hey, you?!"
Napalingon kami sa sumigaw at napansin ko na nasa loob rin pala ng office si Sano na pinsan niya at isang lalaki. Napatitig ako dito dahil kailanman, hindi ko pa siya nakita. Bahagyang salubong ang kilay nito na nakatingin kay Kath. They had the same presence and charisma kaya mukhang nagka-idea na ako na kamag-anak rin nila ito. Nasa lahi na yata nila ang pagiging perpekto pagdating sa appearance.
"What's your problem, Lojiko?" Asik ni Sano na nakaupo sa sofa. Nakahalukipkip ito habang pinapanood na lumapit yung Lojiko samin.
Lojiko. If I'm not mistaken, nabanggit nila 'tong lalaki kagabi? He's Loji? Isa sa pinsan ni Taddeo?
Napalingon ako kay Taddeo na nasa tabi ko nung maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Malamlam ang tingin niya sa akin at para bang inaalok ako na kausapin siya. Gusto ko sanang hayaan siya pero... binawi ko ang kamay ko at iniwas ang tingin sa kanya. Naramdaman ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko pero pinigilan ko na ang sarili kong harapin siya.
I feel the guilt at kahihiyan sa ginawa ko. I know. Labag 'to sa loob ko. Gusto ko sana siyang pagsabihan dahil pumasok pa siyang may sakit pero pinipigilan ko ang sarili ko. I'm already confused. Nagda-doubt na ako sa ginagawa niya.
Napag-isipan ko na 'to kagabi at nalulungkot akong maisip na baka nga may iba siyang pakay sa akin. I'm already uncomfortable around him dahil hindi ko alam kung ano ba talagang gusto niya. What's his real deal to me? Napayuko ako. May balak ba siyang masama sa akin?