Kabanata 5

1.5K 50 10
                                    

Konnaire's POV

I can't believe this.

Magkaka-work na ako at sa malaking kompanya pa. Sa isang buwan kong sahod don, mababayaran ko na ang mga utang ko at may sobra pa!

Gusto kong maiyak sa tuwa!

"You can't take it back." Hindi ko alam kung dahil lang ba sa masaya ako pero makikita ang kasiyahan sa mukha ni Taddeo habang nakatingin sa akin. Maliit lang ang ngiti ng labi niya pero kumikislap sa paningin ko ang mga mata niya. Para bang ang daming sinasabi ng mga mata niya sa akin.

"Opo. Hindi ko na babawiin. I badly need a job right now." Magkasama ang galak at kahihiyan sa emosyon ko ngayon. Kinuha ko ang envelop sa tabi ko at kinalikot ang mga papeles don. "K-Kompleto ang requirements ko ngayon, Sir. Pwede mo rin akong interview-hin ngayon if want mo---" tumayo pa ako at lumapit sa kanya.

Natatawa niya akong sinundan ng tingin. It feels like he's enjoying my every reaction. "Stop calling me sir..." He softly said.

Umiling-iling naman ako.

He looks more gorgeous and fine to me. Lalo na't nakaangat ang tingin niya sa akin dahil nakatayo ako sa tabi niya.

"Kailangan ko.."

"No..."

"Ayos lang sakin, Sir."

"Just call me by my name.."

Natikom ako at bahagyang napanguso. "Ang pangit naman non..."

"Its' fine with me."

"Hindi pwede. Yung mga empliyado, 'Sir' ang tawag sayo tapos ako pangalan lang? Ang disrespectful!"

"Hmm..." Kunwari siyang nag-iisip. "Okay..." Sagot niya. "But you should call me by my name when we're just alone together." Paglalatag niya ng unang utos.

Ang kulit.

Siguro, gusto niyang ganon lang ang tawag ko sa kanya kasi finacee niya si Celestine at kaibigan ako nito.

Hindi ko nalang muna siya sinagot at iniba ang usapan. "May interview pa ba? Ano ba ang dapat kong gawin?" Pagtatanong ko. I filled with combination of excitement, embarassment and alarmed. Ayos pa kaya ako sa harapan niya? Hindi ko na alam kung anong uunahin kong maramdaman!

"You're already hired." Kinuha niya sa akin ang envelop. "I just have some of my condition."

Natigilan ako. "Condition?"

"Yup..."

"Ano?"

Tinitigan niya ako. Mapupungay ang mata niya at kumikislap ito na para bang natutuwa siyang makita ako sa harapan niya.

"You need to resign in any job you have right now." Mataman niyang tingin sa akin. "It's hassle. Isa lang dapat ang trabaho mo, I don't want my worker to looked tired..." He said softly while staring daring at me.

Yun ba ang kondisyon niya? E, Pabor na pabor sa akin 'yon e!

"Basta ba sure 'tong trabaho ko." Pangungumpirma ko. Mapagkakatiwalaan ko naman siguro 'to lalo na't fiancee niya si Celestine. Isa rin naman siyang bigtime artist na hindi mukhang manloloko.

Hindi naman siguro niya ako gino-goodtime 'no?

He laugh softly. "Of course..." Sinenyasan niya ang upuan. "Sit down. Kanina ka pa nakatayo, you might feel tired..."

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now