Konnaire's POV
Everything runs smoothly.
After we watched the movie, niyaya niya ako sa clothes store for girls. Pinipigilan ko nga siyang pagbilhan ako ng mga dresses pero hindi siya nagpapapigil. Siya lang rin ang naglalabas ng lahat ng pera kaya nahihiya talaga akong sumama sa kanya kapag may nakikita siyang store ng sapatos, dresses, and accessories.
Ang pagwa-waldas ng pera ay hindi problema sa kanya. I sighed. Ganyan siguro talaga kapag mayaman.
Pagtapos namin sa mga store, inaya niya naman ako sa kids clothes. Inalala niya si Kiro dahil tinext ko ito kanina paglabas namin sa sinehan. Uuwi raw siya bago mag-gabi kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
After we bought things, dumiretsyo kami sa restaurant. We eat, and talked. Wala namang naipasok na ibang tao sa usapan namin kaya namaintain ang pagka-goodmood niya. Kinukwento niya lang ang kagandahan ng Racuh dahil tinanong ko sa kanya 'yon para mas may malaman ako sa lugar nila.
Taddeo's presence is ebullient and I'm happy to watched him like that. Parang wala siyang problema at parang burado na lahat sa isipan niya ang pinagtalunan namin nitong nakaraan lang. Everything is at peace again and I hope that there's no such thing gonna stop it the way it is.
Sana ganito lang lagi.
Papalubog palang ang araw nung makabalik kami sa apartment.
"Hindi ka pala pumasok ngayon sa trabaho mo 'no?" Asik ko nung makalabas kami sa kotse. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa pintuan ng kotse niya, habang ako naman ay nakatayo lang sa harapan niya.
"Yeah, but it's fine. I'm gonna work on it later." Sagot niya.
"Hm, thank you pala sa mga binili mong damit para sa amin. Nakakahiya, wala akong nalabas na pera..." Umusok ang pisngi ko sa kahihiyan.
He giggled. "It's nothing. It's my choice to buy you things, anyway so there's no gonna be a problem with that." Lumapit siya sa akin at inabot ang palad ko. Marahan niyang pinisil 'yon habang mapupungay ang matang nakatitig sa akin. "I'll do anything for you, Konnaire."
Napangiti ako sa harapan niya.
Shoot. Am I lucky to have him? Parang maling maging nasa harapan niya ngayon dahil ang layo-layo ng estado naming dalawa. It doesn't feel right. Parang hindi pwede.
"Konnaire..." Tawag niya ulit.
"Hmm?" Sagot ko.
"Can you..." He licked his lowerlip and swallowed hard. "Can you repeat what you did last night?"
I stiffed.
Last night?
The kiss?
I secretly gulp. My heart pumps so loud and the embarrassment is already striking on my system. Nahihiya akong napatungo dahil sa hinihingi niya. It feels like deja vu. Ganito rin ang nararamdaman ko nung first time ko siyang yakapin.
I sighed.
Hindi naman sa ayaw kong gawin pero sana ginawa niya nalang sa akin kung gusto niya 'yon. Nahihiya kasi ako kapag nanonood siya ginagawa ko sa kanya. Pakiramdam ko, ang kapal-kapal ng mukha. Naiisip ko pa nga lang, umiinit na ang pisngi ko sa hiya.
"Konnaire.." Mahihimigan ang pagmamakaawa sa boses niya. Marahan niyang pinisil ulit ang palad ko habang mapupungay ang matang pinapanood ang reaksyon sa mukha ko. "Can you do that for me?"
Hindi na ako sumagot.
Umabante ako sa harapan niya nung bawiin ko ang palad sa kanya. Kumapit ako sa damit sa bandabg dibdib niya at inangat ang sarili ko para maabot ang pisngi niya.