Kabanata 32

886 23 2
                                    

Konnaire's POV

Pagbaba ko ng kotse, mabilis kong tinakbo ang apartment namin. Nag-aalala pa nga akong tinignan ng guard dahil halos magkanda-dapa-dapa na ako sa bilis at tarantang kilos ko.

"Kiro?!" I shouted when I reached home. Wala siya sa sala at kusina kaya nagmadali akong nagtungo sa kwarto niya.

I've found him asleep.

Nanghihina akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa pag-aalala at halos masiraan ako ng bait dahil sa natanggap kong message.

"Ate?" Nagising ko siya. Pinilit niyang umupo kaya hinaplos ko ang mukha niya kung may mga sugat ba o wala. "Ba't ka umiiyak?" Paos niyang tanong.

Pinunasan ko ang mukha ko at hinaplos ang kamay niya pero natigilan rin ako agad nung maramdaman na mainit siya.

"May sakit ka na naman?" Asik ko. Inilipat ko ang palad ko sa noo at leeg niya para kumpirmahin at halos mapamura ako nung makitang meron nga. "Bakit ka na naman may sakit? Dumadalas ang pagkakaroon mo ng sakit..." Naiyak na naman ako.

Bahagya siyang tumawa at pinunasan ang mukha ko. "Ayos lang ako, Ate. Mawawala rin naman 'to. Ikaw? Bakit ka umiiyak?"

Umiling ako at nag-isip ng palusot. "M-May sakit ka kasi. Nag-aalala ako oh..." Kunwari tumawa ako pero ngumuso lang siya. Tumayo ako at pinunasan ulit ang mukha ko. "Wait lang, magluluto ako ng mainit na pagkain para pagpawisan ka, okay? After that, inom ng gamot at magpahinga, ha?" Habilin ko at tumango naman siya. Inalalayan ko siyang humiga at kinumutan bago ako mag-asikaso sa kusina.

Sinapo ko ang ulo ko nung makalabas sa kwarto ni Kiro. Nagsalubong ang kilay ko at masamang tinignan ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa ng sala.

Kinuha ko 'yon at hinanap ang stalker na nagsend ng picture ng apartment namin. Litrato ito ng labas pero buong apartment ang kuha.

'Anong kailangan mo sa akin?! Sino ka ba?!'  pagtitipa ko ng mensahe.

Hindi ako agad nakatanggap ng reply kaya inis kong tinapon ang cellphone sa sofa bago nagtungo sa kusina para ihanda ang pagkain ng kapatid ko.

Habang naghahanda, narinig ko na may nagmessage kaya dali-dali akong nagtungo ulit sa cellphone.

Dalawang message ang natanggap ko. Isa ang kay Tad at pangalawa ay sa stalker. Iwinaglit ko muna ang message ni Tad at inuna ang stalker.

'P-t-ngina ka! Salot ka sa lipunan!'

'Gusto mong malaman ha? T-nginamo! Huwag kang magmaang-maangan! Maghintay ka dahil tutugisin ka rin namin!'

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa reply niya. Lumunok ako at nagtipa ng sagot.

'Sino kayo?'

Mabilis akong nakatanggap ng reply.

'Ikaw yung nagsumbong tapos hindi mo alam?! Lintek ka!'

Napasapo ako ng ulo ko at inaalala kung ano o alin ang isinumbong ko. Wala akong maalala na nagsumbong ako ng kung ano kaya nanakit talaga ang ulo ko sa kakaisip.

'Anong sumbong?' Pagtatanong ko.

Hindi ako agad nakatanggap ng reply kaya inilapag ko ang cellphone sa dining habang nag-iisip. Dumiretsyo ako sa kusina para ihanda na ang kakainin ni Kiro.

Ano bang tinutukoy niyang sumbong? Kahit anong isipin ko, wala akong matukoy. Wala akong maalala na nagsumbong ako ng kung ano.

I was biting my thumb and thinking deeply when my phone vibrated again. Mabilis kong tinignan ang message na nanggaling sa stalker at binasa 'yon.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now