Konnaire's POV
Kagabi, hindi ko rin naman na pinatagal sa bahay si Tad. Naabutan kasi namin si Kiro na nakatulog sa sofa sa sala at nilalagnat. Hindi ko nga inaasahan e. Akala ko okay lang ang kapatid ko pero nung mahawakan ko, medyo mainit kaya nag-alala na ako.
Nag-volunteer si Tad na buhatin si Kiro papasok sa kwarto para komportable siya kaya pumayag ako. Nagluto na rin ako ng pagkain para makakain kami ni Tad pero nagluto pa ako ng isang pagkain para kay Kiro.
Gusto pa nga sana ni Tad na magstay pero pinilit ko siyang umuwi para makapagpahinga rin. Mabuti naman at sumunod siya kahit alam kong medyo labag sa kalooban niya.
Pagka-alis niya non, ginising ko si Kiro at pinakain para makainom ng gamot. Hindi naman ganon kataas ang lagnat niya pero inagapan ko na agad para hindi lumala. Tinanong ko rin kung anong nararamdaman niya at ang sagot niya, baka lang daw napagod sa school. Dinadag niya rin ang pananakit ng bone and joint niya so tinanong ko siya kung anong pinag-gagawa niya sa school, hindi naman daw siya nagkukulit kaya medyo nabother ako.
Kinabukasan, naging okay naman ang lahat.
Hyper si Kiro na parang hindi siya nilagnat kagabi. Kinapa ko ang noo niya at nasurpresa talaga ako na makitang wala na siyang sakit. Hindi na rin daw nananakit ang mga buto niya kaya go na go siya sa pagpasok sa school kahit sabi ko na magpahinga nalang muna.
Pagpasok ni Kiro sa school, nag-asikaso naman ako para pumasok. Pupunta si Taddeo dito para sabay na kaming pumasok kaya hindi na ako tumanggi at baka sumama na naman ang loob niya.
"Is he finally okay?" Tanong ni Taddeo nung makarating siya ng ilang minuto. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang pinapanood akong ayusin ang bag ko.
"Oo e. Kahit ako nagulat pero nag-aalala pa rin ako..." Tukoy ko kay Kiro.
"Don't be too worry about it. He's fine now so make yourself at ease..."
Isinukbit ko ang bag sa balikat ko. Tumayo naman siya at nagtungo sa pintuan para makaalis na kami. "Nung pagtapos rin kasi natin magmall, 'yon rin ang sinabi niya sa akin..."
"Na he suddenly feel his bone and joint pain?" Paglilinaw ni Tad nung sabay kaming makalabas sa apartment. Nilock ko 'yon bago namin tunguhin ang hallway pababa.
"Oo pero kanina wala naman na daw siyang nararamdaman na sakit..."
"Napulikat? Or maybe stiff?" Pagsusuhestyon niya.
Tumango naman ako. "Baka nga..."
Nakarating kami sa kotse. Habang inaayos ko ang seatbelt nung makapasok kami sa loob, nagsalita ulit ako.
"Ah, nakausap ko pala kanina si Celestine. Pupunta raw siya sa company mo. Nabanggit niya sa akin kasi nagtanong siya kung totoo ba raw na tinawagan mo ang mga magulang niya para ihatid siya..." Aniya ko.
"For what?" He said in a boredly manner.
Nagkibit-balikat naman ako. "Hindi ko alam e. Hindi na niya nasabi..."
Nagsimula kaming magbyahe.
Sinulyapan ko pa muna siya bago kinagat ang ibabang labi dahil sa tinatago.
I sighed.
Pagtapos kong makausap si Celestine, nagtext naman si Ram. Nanghihingi siya ng pabor na makita ako mamaya para raw malaman niya kung okay lang ako pagtapos nung nangyari kagabi. Gusto ko rin manghingi ng pasensya sa kanya dahil sa nangyari kaya pumayag ako.
Ngayon, naguguluhan ako kung sasabihin ko ba kay Tad o hindi pero mukhang mas mapipili ko nalang na huwag sabihin dahil hindi ko alam kung ano na naman ang magiging mood niya. Hindi naman siguro 'to big deal at mag-uusap lang naman kami saglit kaya hindi ako mashado namomroblema.