Konnaire's POV
Malalim na ang gabi and everything looks at peace. Nakapatay ang ilaw sa sala pero dahil sa ilaw sa kusina, nasisinagan naman ako kahit papaano.
Nanatili akong nakaharap sa tv matapos kong layasan si Taddeo sa kusina dahil sa sobrang kahihiyan. Maya-maya pa, narinig ko na ang mahinang kalansing ng plato at kutsara na mukhang inilapag sa kung saan.
Ilang sandali lang rin, narinig ko na ang yapak ni Taddeo, papalapit sa kinaroroonan ko. Umupo siya sa tabi ko. Gumapang ang kamay niya sa bewang ko at inilapit sa kanya. Agad ko namang hinarang dalawa kong palad para hindi ako sobrang tumama sa katawan niya.
"A-Ano na naman ba?" Aniya ko.
I heard him chuckled. "You're too far. Are you mad?" Sinulyapan niya ng mabuti ang mukha ko.
Umiling ako at iniwas ang tingin. "H-Hindi.." Umusog ako papalayo pero hinila niya lang ulit ako pabalik. "A-Ano ba 'yon?" Mahinang depensa ko sa kanya.
Nanatili siyang nakatingin sa mukha ko. Para bang binabasa niya lagi ito. Parang isa ito sa way niya kung paano ako mabasa at malaman ang mga nararamdaman ko. "Ayaw mo ba na nandito ako?" Mahinang tanong niya. It's just plain asking. Not having any tone.
"H-Hindi..." Sagot ko.
"You just don't want to be near me?" Panghuhuli niya.
Umiling rin ako. "N-Nahihiya kasi ako..." Pagsasabi ko ng totoo.
"Hmm..." Nanatili siyang nakatitig sa akin. "I know. It's very clear..." Sabi na nga ba. Nababasa niya na ako kahit sa panonood niya lang ng ekspresyon ko. Mukhang halata yata talaga ako. "Anong ginawa mo ngayon dito?"
Sinulyapan ko siya. "Sa?"
"How's your day?" Pag-uulit niya.
"A-Ah. Ayos naman.." tumikhim ako. "Naglaba, naglinis--- ganon."
"Hmm, are you tired already?"
Umiling ako. "Dami kong pahinga kanina. Mabilis akong natapos e.." hindi siya sumagot kaya binato ko sa kanya ang tanong. "Ikaw? Kamusta?"
"It's tiring but I'm okay now.." Simpleng sagot niya.
Tumango ako. "Napag-isipan mo na ba na umuwi sa inyo? Sa sinasabi mong sa Racuh?"
Umiling siya. "No. Not yet. Don't be too worry. Nag-uusap naman kami ni Mama through phone..."
Tumango ako. "Lahat ba ng pamilya mo, taga-roon?"
Tumango siya. "They don't want cities. They prefer more nature and beach.."
"Yung Racuh, sa pilipinas lang diba?"
"Yes..."
"Magkakasama yung pamilya mo lahat don?"
Natahimik siya na para bang nag-iisip pa. "No. They're in the part of Basco. May bahay kami sa Racuh but I think, my Mom has been in Basco since my father is working. Yung ibang pamilya namin like sila Auntie, may sari-sariling bahay sa Basco. "
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Racuh and Basco?"
Natigilan siya habang nakatingin sa ekspresyon ko. Bahagya siyang natawa. "Basco and Racuh is part of Batanes. Racuh A Payaman and Basco, magkalapit lang sila so..."
Tumango-tango ako. "Okay. Naiintindihan ko na." Tumikhim ako. "Kung ganon, sino ang kasama ng mama mo sa bahay nyo sa Basco?"