Kabanata 35

1.2K 37 3
                                    

Last Konnaire's POV

"I-monitor mo ang kapatid mo, Konnaire, ha? Bumalik kayo dito kapag may problema." Paalala ni Auntie Rakel.

Ngumiti ako. "Yes po, Auntie. Tatawag ako agad..."

"Oo! At please lang, tumawag ka naman sakin kung anong kalagayan niyo, ha? Huwag mo na namang hintayin na ako pa ang pumunta dyan sa Manila!" Pagalit pa ni Tita kaya tumango-tango ako. Binalingan niya si Tad na katabi ko. "Ikaw, ijo, sabihin mo sa akin kung may problema itong dalawa, ha? May fiancee na pala itong si Konnaire, hindi manlang nagsasabi! Bantayan mo tong dalawa, maasahan ba kita diyan?" Bahagya pang suplada si Auntie.

"Sure, Tita." Ngumiti si Tad.

"O 'sige, pabalitaan nalang ako sa kasal niyo para makapaghanda kami, ha?" Tumango kami ni Tad.

Tumikhim si kuya Rex. "Be good. Huwag magpapasaway..." paalala niya kay Kiro na malawak ang ngiti.

"Yes, kuya." Sagot naman ni Kiro.

"Thank you ng marami, Kuya." Mararamdaman ang emosyon sa sinabi ko.

Tinapik ako ni Kuya. "Don't forget that we're family, Kon."

Bahagya akong natawa at tumango.

Ilang minuto pa kaming nagpaalalahanan bago kami tuluyang magpaalam. Tinanaw nila kami sa huling pagkakataon sa airport bago kami tuluyang mawala sa kanilang paningin.

After a few weeks na pagi-stay namin dito sa cebu, everything went fine. Naalagaan at nasulusyunan ng maayos ang sakit ni Kiro and I'm glad that Kiro is okay now. It's very visible to his face. Mukha ngang excited na siyang umuwi sa Manila para sa kaibigan niyang si Wayne.

Taddeo kissed me on my forehead. I smiled and leaned on him.

I sighed.

Babalik na naman kami sa Manila with several traumatic situations that happened. It's not that I'm scared of coming back but, for some reason, I can't help myself to think na our relationship might experiencing some situation that might ruin us again. I don't know how will I possible to handle that even though I'm already engaged with that.

Well, I just hope that everything runs fine.

"Mam!"

"Manong Guard!"

Malawak ang ngiti kong niyakap si Manong Guard numg tuluyan kaming makarating sa apartment namin dito sa Manila.

"Wala na po akong naging balita sa inyo, Mam after nung nangyari. Ayos na po ba kayo?" Masaya ang mga ngiti niyang makita ako.

Tumango ako. "Yes. I'm so very happy po na makita kayo. Gusto ko rin kasing magpasalamag dahil napakalaking tulong niyo sa akin that night. Thank you for saving my, life..."

Umiling-iling si Manong Guard. "Hindi, Mam. Ako dapat ang magpasalamat. Ako yung muntikan ng mabawian ng buhay dahil hindi ako agad nakakilos nun. Mabuti nalang at nailigtas mo ako, Mam..."

Natatawa rin akong umiiling and for some reason, naiiyak na rin. "I'm glad po kasi nahuli niyo si Garcia. Asintado po kayo, ang galing!" Pagbibiro ko.

Tumawa rin siya. "Walang anuman, Mam. Obligasyon ko pong alagaan at protektahan ang mga taong nainirahan sa apartment. Itinuturing ko na kayong pamilya kaya natural lang po na sagipin ko kayo..."

Tumango-tango ako at niyakap siya ulit. "Maraming salamat po..."

"Thanks for protecting her." May linya ang labi ni Taddeo na tanda na nakangiti siya. He knows the whole story dahil alam kong kasama si Manong Guard sa police station that night and of course, for clearer information, inulit ko ang pangyayari kay Tad when we are in cebu pa.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now