Special Chapter

1.3K 28 0
                                    

Kath's POV

Tinadyakan ko ang vending machine nung hindi lumabas ang pinili kong softdrinks. Siguradong kinain ang pera ko kaya ganyan.

Napabuntong-hininga ako sa inis. Puro kamalasan nalang talaga lahat ng nangyayari sa akin!

"You shouldn't do that." Aniya ng isang lalaki na nasa gilid lang ng vending machine. Mas nauna siya kanina dito sa akin. Okay naman yung pagkagamit niya ng machine pero nung ako na, kinain na yung pera ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong pake mo?" Inis na baling ko sa kanya.

Mariin niya akong tinitigan bago siya bumuntong-hininga at kumilos. Kumuha siya ng wallet sa bulsa niya at inabutan ako ng papel na pera para panghulog sa vending machine.

"Keep the change." Aniya.

Mas uminit ang ulo ko dahil sa disrespect na naramdaman ko galing sa kanya.

"G-go ka ba? Bastos ka ah?" Bulyaw ko. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko pero wala akong paki. "Anong iniisip mo? Na kawawa ako?!" Asik ko. "Hindi ko kailangan ng awa mo para sa lintek na vending machine!"

"Wala naman akong sinabi---"

"E, ano 'yang pagbibigay-bigay mo na yan?!" Dinampot ko ang perang hawak niya at tinapon 'yon sa lapag. Mas mariin niya akong tinignan dahil don. Halatang hindi niya gusto ang ginawa ko. "Mas gugustuhin ko nalang mamatay kesa kaawaan at abuluyan ng pera ng di ko kilala!" Inapakan ko ang pera niyang nasa lapag lang namin. "Sayo na 'yang pera mo!"

Alam kong nakakabastos talaga ang ginawa kong attitude sa lalaking 'yon. Pero dahil sa nafeel kong na-offend ako, nairita na ako dahil ayoko sa lahat yung pinaparamdam sa aking kawawa ako.

Oo, literal na kawawa na nga ako tumayong bilang magulang sa pamilya ko at hirap na hirap na akong buhatin si Nanay at Tatay para makaraos sa buhay pero ayoko pa ring sinasabihan ng kawawa. Kasi naiiyak lang ako. Ganon 'yun e, kapag kinakaawaan nila ako, ibig sabihin, nakikita nila ang paghihirap ko. At, ayoko non. Ayokong may makakita ng paghihirap ko kasi feeling ko, I'm not strong enough to lift my family. Na-ooffend at nasasampal lang sa akin ang katotohanan.

"Ito ba ang office niya?! Hayop naman kasi! Napaka-ingay!" Reklamo ko habang hinahanap ang kasamahang mag-guide samin dito sa bar.

Iniwan ko muna si Konnaire doon sa counter para hanapin ang kakilala ko. Pareho kaming nangangailangan ni Konnaire ng trabaho pero ang hirap talaga makapasok at maging stable dito sa pilipinas. Hindi ko alam kung anong mali sa akin at hindi manlang ako magkaroon ng maayos na trabaho, puro raket-raket lang.

"Hey!" Suway ng isang babae.

Bahagyang madilim ang room na napasukan ko kaya need ko pang i-adjust ang mata ko para masanay sa ilaw.

"Can you please get out?" Mataray na sabat ng isang babae na nakahiga sa mahabang upuan. Napatingin ako sa lalaking nasa ibabaw niya at nanlaki ang mata ko nung mamukhaan ito.

Siya yung lalaki sa vending machine!

Titig na titig siya sa akin at bahagyang salubong ang kilay. Halata na naman sa mukha niyang hindi niya nagustahan ang pagpasok ko bigla sa room na ito. Pareho pa naman silang may saplot kaya ayos lang. Mabuti naman at wala pa sila sa exciting part ng ginagawa nila. Mas nakakahiya kung yun ang naabutan ko.

"Hey..." Biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Doon ko lang napansin na may tatlong lalaki rin pala silang kasama.

"Bitawan mo ako!" Hindi ito nakinig at hinawakan ang bewang ko. Idinikit niya ako sa kanya at mabilis na sinubsob ang mukha sa bandang dibdib ko. "Hoy!" Nahirapan akong makakilos dahil napakalakas niya.

Loving the ObsessionWhere stories live. Discover now