CRUSH @ 21

691 4 0
                                    

I'm 21 years old and I have a crush.


"Siya ang nag-papa-lindol ng mundo ko," palagi kong sabi.


I'm an English teacher. He's a Math teacher.


Hindi siya ka-gwapuhan pero attracted ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero gustong-gusto ko siya. Sa sobrang pag-kagusto ko, nagawa kong i-add siya sa Facebook at nag-lakas loob akong i-chat siya.


Okay naman. Akala ko nga hindi siya mag-re-reply pero noong matanggap ko ang una niyang "hello...good morning ma'am XD" e muntik-muntikan na akong mag-tumbling sa sobrang saya. Tuwang-tuwa talaga ako noon. Nag-try pa ulit ako at naging maayos naman ang conversation namin.


"Hi sir."


"Hello ma'am."


Parang tanga lang ako kasi puro "hi sir" lang sini-send ko. Wala kasi akong maisip noon. Nahihiya at nag-aalangan din kasi ako. Hindi naman kasi ako yung kadalasang gumagawa ng move...mga kaibigan ko ang gumagawa for me.


Madalas ko siyang makita sa school. Napapa-ngiti na ako kahit likod niya lang yung makita ko. Buo na araw ko makita ko lang siya. Normal naman siguro yun diba? Binubuo ng mga crush at special someone natin ang mga araw at buwan sa buhay natin.


Pero nararanasan ko rin yung mga araw na bokya o hindi ko siya nakikita. Minsan isang araw at umaabot yun ng tatlong araw pero nababawi naman yun kasi kapag nakikita ko ulit siya, napupunan niya lahat ng araw na kulang ako.


Sa ngayon, isang linggo ko na siyang hindi china-chat. Hindi sa ayoko na sa kanya (GUSTONG-GUSTO KO NGA SIYA DIBA!?) ayoko lang lumabas na nag-hahabol. Nakikita ko kasing inaasar siya ng BFF niya kaya medyo out-of-the-sight muna ako. Saka feeling ko, naiilang na siya at mukhang alam na ng mga ka-department niya.


Online siya ngayon...siguro nag-lalaro ulit ng DOTA.


Ako si The 5th Dreamwalker at ito ako sa mundo ng pag-ibig. Isang babaeng nag-hihintay sa sulok, nag-aabang at umaasa sa tadhana, signs, fate at kung anu-ano pang bagay na kinakapitan ng mga hopeless romantic.


Lagi nga akong nag-dadasal na sana mahuli ko ulit siyang naka-tingin sa akin katulad ng dati. Gusto ko ulit siya matignan ng hindi ako naiilang o nahihiya. Gusto ko ulit siya maka-salubong sa hallway ng hindi yumuyuko o naka-tingin sa ibang direksyon.


GUSTO KO SIYA.


Kaya lang naalala ko yung sinabi ni Mr. Bautista, "Bakit hindi ka crush ng crush mo?"

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon