Kabanata 3 : Nalalapit
Glass House
"Nasaan na?"sabi ni AJ kay Fayra kasunod nito sila Hades, Alex, Burn at Amon.
"Ang alin?" sabi ni Fayra habang nakahiga sa kama nito.
"Alam mo kung ano ang sinasabi ko." sabi ni AJ sa pinsan.
Matapos niyang tawagan ang tauhan sa Green Island mabilis siyang pumunta sa kuwarto ni Fayra kasunod ng mga pinsan at kapatid.
"Hindi." sabi ni Fayra.
"Iyong libro ni Suri." sabi ni AJ.
"Hahaha! Grabe kayo mamintang pati libro ni Suri talagang ako ang kukuha? Baka si Sandy puwede pa kumuha ng libro, pero ako hindi ko magagawa ang magnakaw." sabi ni Fayra na ikinatingin ni Hades sa kapatid saka ito nilapitan
"Ibigay mo na." sabi ni Hades kay Fayra na kahit hindi niya alam kung ano bang libro ang kinuha ni Fayra nakakakutob siya na ikakapahamak iyon ng kapatid niya.
"Kuya, wala sa akin. At sandali ano bang libro iyon?" sabi ni Fayra.
Napatingin sa paligid si Burn at Alex na ikinatingin ni Fayra sa limang lalaki.
"Hanapin natin." sabi ni Alex.
"Sige para mabilis." sabi ni Burn saka ng dalawa hinalungkat ang kuwarto ni Fayra na ikinatayo sa kama ni Fayra.
"Uyyyy!!! Masama iyan wala naman kayong warrant of arrest at dokumento mula sa korte na puwede kayong maghalughog." sabi ni Fayra.
"Wala dito." sabi ni Alex na hindi pinansin si Fayra habang hinahanap ni Alex sa kama ni Fayra ang libro.
"Wala din dito." sabi ni Burn sa ibang parte ng kuwarto naghanap.
Napatingin sa paligid sila Hades, Amon at Aj nasa guest room si Fayra at wala naman gamit doon bukod sa isang luggage ng batang babae.
Napangisi si Hades pero akmang pupuntahan nito ang luggage ng sumigaw ng malakas si Fayra.
"Papa! Sila kuya inaaway ako!!!! Mga Bullyyyyyyy!" malakas na tili ni Fayra na ikinanlaki ng mga mata ng limang lalaki.
"Uy! Bakit kayo nandito?" humahangos na sigaw ni Heaven habang nasa likod nito si Malic na nagulat sa tili kaya napababa mula sa ikatlong palapag ng Glass House.
"Papa! Away nila ako." tumitiling sabi ni Fayra na ikinatiim ng bagang ni Heaven.
"Karma." sabi ni Malic na ikinatingin ng pamangkin nito sa kanya.
"Anong pakiramdam na nakikita mong binubully ang anak mo? Ganyan ka dati." sabi ni Malic kay Heaven.
"Papa! Paalisin mo sila sa kuwarto ko." sigaw ni Fayra na ikinatingin ni Heaven ng maalala si Elle noong panahon na madalas nila bullyhin ang bunsong pinsan.
"Tsss! Hindi ka namin inaano diyan." sabi ni Hades sa kapatid.
"Papa! Away ako ni Kuya!" sigaw ni Fayra na nagkunwaring umiiyak.
"Grabe, ang drama." sabi ni Alex.
"Mas spoiled pa sayo Burn." mahinang sabi ni AJ habang nakatingin kay Fayra na alam niyang mahihirapan siyang kunin ang libro dito.
"Lumabas kayong lima dito, ngayon din." sabi ni Heaven.
"Tito, wala kaming ginagawa sa kanya." sabi ni Amon kay Heaven na ikinatingin ni Heaven dito.
BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023