Kabanata 27 : Ang Pagkilos ng Hari
Minutes later
"Whoahhh!" hiyawan ng lahat ng makabawi ang Heather School Basketball team at ngayon lamang na sa puntos ang mga ito.
"Magaling nga siya." sabi ng captain ng volleyball team ng si Shiloh lahat halos ang gumalaw sa team nito.
"Sa awra niya at sa kilos niya mukhang may nais pa siyang makuha." sabi ng isa sa teammate ng volleyball team.
"Si Mommy dati kapag nananalo tayo may treat siya sa akin at siguro ganoon din sa kanya ang pamilya niya kasi tingnan niyo naman wala dito ang kahit isa sa pamilya nila at first time nangyari iyon." sabi ni Jedenn.
"Sabagay, ganyan din ako kayo Papa. Kapag nananalo tayo sa game may regalo siya sa akin lagi." sabi pa ng isang miyembro ng volleyball team.
"Mukhang kakaiba ang ibibigay sa kanya, baka bahay at lupa." sabi ni JT na napangisi.
Nakatutok lang si E sa laban, kanina pa niya napapansin ang koponan ni Shiloh na kahit ito lang ang gumagawa iba ang pagod ng mga ito kompara kay Shiloh lalo na si Ezio na halatang kaunti na lamang bibigay na ito sa pagod.
"Go Shiloh!" sigaw ni Peso na kanina pa nagchecheer sa koponan.
Napatingin ang captain ng volleyball team kay Peso saka ito napangiti
"Mukhang siya ang regalo." nakangiting sabi ng captain ng volleyball team na ikinatingin ng buong team kay Peso.
"Huh! Siya ang ipinalit nila sa pinsan ko." sabi ni E na kahit alam ng lahat na si Shiloh na lang ang nobyo ni Peso may nararamdaman siyang inis kay Peso pero...
"Inggit ka?" nakangising sabi ni JT na ikinatingin ni E dito.
"Hindi, kasi mas mataas ang inis ko sayo kaysa sa inggit na sinasabi mo." sabi ni E na kahit saan anggulo si JT talaga ang kinabubuwesetan niyang babae sa mundo at wala ng iba.
"Move on ghurl, maraming lalaki. O baka gusto mo six is to one. Tulad ng pinsan mo si Merlina sa sixtuplets." sabi ni JT.
"Alam mo, sa totoo lang may lumapit sa akin isa sa sixtuplets bago pa naging si Merlina ang naging nobya nila at alam mo ba kung sino iyon...." udlot na sabi ni E saka ito napangisi at muling nagsalita.
"....si Viggo. Pero hindi ko pinatos kasi naisip ko, hindi naman ako tulad mo na maharot." sabi ni E na ikinangisi ni JT.
"So maharot ang pinsan mo na kadugo mo. Hahaha! Lahat ng sinasabi mo bumabalik sayo." sabi ni JT.
"Hindi maharot si Merlina kasi iba ang harot na nang-aagaw sa harot na nilapitan talaga." sabi ni E.
"Hays! Tama na sabi iyan, matatapos na ang laban at tayo na ang susunod." sabi ng captain ng team kay JT at E.
"Whoahhh!" malakas na hiyaw ni Peso ng maka three points si Shiloh.
"Oh my God! Magaling siya at lagot ang susunod na makakalaban nila." sabi ng tomboy sa volleyball team.
"Tama, si Shiloh ang weapon ng koponan na ngayon lang nila nilabas." sabi ng captain.
"Mukhang wala siyang kahinaan dahil kung nakikita natin ang mga kapatid niya halatang hindi sanay sa init, na kahit ako hindi ko alam kung paano tayo maglalaro sa init sa lugar na ito." sabi ng isa pang tomboy sa team ng volleyball.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023