Kabanata 19 : Ang Solusyon na Magiging Problema
"Anong ginagawa natin dito?" sabi ni Shiloh kay Aj ng bumaba sa helipad ng hindi niya kilalang gusali o kung gusali nga iyon dahil tila mansion iyon na kahalitulad ng Cheung Mansion sa NYC.
Napatingin si Aj kay Hestia at Peso saka ito nagsalita.
"Kayong dalawa dito lang kayo, huwag kayong aalis magtatrabaho lang kami ni Shiloh." sabi ni AJ."Anong trabaho?" sabi ni Shiloh na kanina pa nagtataka dahil kanina pa rin hindi sinasagot ni AJ ang mga tanong niya. Ang sabi lang kasi nito sa kanya ng yayayain siya at puntahan sa gym kaninang umaga. Gigsingin nila si Alex. At ang nasa isip niya babatukan lang nila, tatakutin o di kaya gagawan ng kalokohan.
Nasa loob pa ang apat ng chopper ng may kunin si Aj sa ilalim ng upuan nito.
"Isuot mo ito at alam kong marunong kang gumaya ng boses. Gayahin mo kung sino gusto mong gayahin na boses na kaaway ng grupo na naengkuwentro mo na." sabi ni AJ sabay bigay ng maskara na 3d kay Shiloh.
Kinuha ni Shiloh ang maskara, hindi iyon basta bastang mumurahin na maskara 3d iyon na tila totoong mukha ng tao. Malambot na tila totoong balat, ang mga mata ilong at bibig ay tila mga totoo. Nakakatakot, nakakahilakbot at higit sa lahat nakaka-excite.
Tama, excitement dahil ng hawakan iyon ni Shiloh pakiramdam niya papasok siya sa ibang demensyon ng isang nilalang.
"Papasukin natin ang mansion at guguluhin natin." sabi ni Aj sabay kuha ng baril nito na ikinanlaki ng mga mata ng tatlong batang kasama nito.
"Si---sino ba ang nasa loob? Mga bandido ba? Pinamahayan ba iyan ng mga terorista o nandiyan ang mga kaaway mo na naghahati sa Mafia?" sunod-sunod na tanong ni Shiloh.
"Nandiyan si Alex at si Rio kasama ng ibang katulong, at security. Papasukin natin ang ikatlong palapag kung nasaan si Alex sa mga oras na ito." sabi ni Aj.
"Ano? Nandiyan si kuya Alex? Isang buwan na siyang hindi nagpapakita kahit sila lolo Orion hinahanap siya at itatakwil na siya dahil mukha daw patay na tulad ni Trail." sabi ni Shiloh na ikinatawa ni Aj.
"Hahaha!" natawang reaksyon no AJ.
"Aissst! Kuya huwag kang tumawa dahil totoo ang sinasabi ko. Narinig ko si lolo Orion at si Tito Autumn na kausap si tito Ash at sabi nila kapag hindi nagpakita si kuya Alex sa kasal ni Rollo ipagluluksa na ng pamilya ang pagkamatay niya." sabi ni Shiloh na lalong ikinatawa ni Aj.
"Hahahaha! Grabe! Parang walang kuwenta naman, wala man lang paghahanap na magaganap?" sabi ni AJ na ikinangisi ni Shiloh.
"Narinig ko kasi sabi ni lolo Orion, wala daw siyang nakikitang pagbabago kay kuya Alex mas okay pa daw si kuya Burn may lovelife at nag-i-spark.
Eh, si kuya Alex daw tila ulap lang na walang ningning at sakto pa sa damit na puti na laging sinusuot ni Kuya Alex. Mabuti pa nga daw si Tito Ash noong kabataan kumakana sa kinse anyos. Eh, si kuya Alex puro tsansing lang walang sundot.
At sabi nila....
....Malamyang Valiente. Hahaha!" sabi ni Shiloh sabay tawa nito na ikinatingin nila Hestia at Peso sa isa't isa ng tumawa din si Aj at sabay tumawa ang magpinsan.
"Hahaha!" malakas na tawa nila Shiloh at AJ.
................
Ikatlong Palapag, Cheung Mansion Manila
BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023