Kabanata 29 : Resulta ng Isang Pagtanggi

243 24 1
                                    


Kabanata 29 : Resulta ng Isang Pagtanggi

Nicolas Lingerie Co. Manila


"Grabe pagod na ako." sabi ni Peso habang katatapos lang ito lagyan ng make-up ng tauhan ni Elizabeth.

Napatingin si Shiloh kay Peso, ito ang ikalawang araw pa lamang nila bilang modelo sa kompanyang iyon pero hindi biro ang mga pinapagawa sa kanila.

"Ayoko sana magsalita pero alam mo iyon, kung tutuusin hindi ko naman kailangan ng pera. Nag-iisa na lang ako sa buhay, kung buhay sana si Mama siguro iyon puwede ako magtrabaho kahit ilang oras pa para maipagamot ko siya. Pero ngayon wala na siya wala naman akong paggagamitan ng kitang pakiramdam ko, ako yata ang magkakasakit." sabi ni Peso.

"Hayaan mo after nito limang araw na lang tapos ipapasyal kita." sabi ni Shiloh habang nakaupo na ang dalawa sa sofa kung saan hinihintay nila ang pagsalang sa pictorial para i-promote ang suot nila na produkto ng kompanya ng mga Nicolas.

"Kahapon, ang akala ko hanggang six lang tayo ng gabi pero grabe umabot tayo ng alas diez." sabi ni Peso sabay sandal nito sa sofa.

"Pictorial lang naman ang gagawin natin ngayon." sabi ni Shiloh pero sa nakikita niya tatagal din iyon.

"Pictorial? Tapos ilang set ang palit ng suot natin?" sabi ni Peso.

"Nagrereklamo ka?" sabi ng tinig na ikinatingin ni Peso at Shiloh.

Namula ang mukha ni Peso sa hiya ng makita si Elizabeth. Mataray ang awra nito, halata ngang istrikto itong amo. Base na rin sa mga naririnig niya sa mga tauhan nito sa lugar na iyon kahit na nga ba isang araw pa lang siya nagtatrabaho bilang modelo nito.

"Pagod lang siya." pagtatanggol ni Shiloh kay Peso.

Napangiti si Elizabeth kanina pa niya pinagmamasdan ang dalawang kabataan sa harap niya at mula pa kahapon hindi na naghiwalay ang mga ito kaya naman may naisip siya kakaiba sa araw na iyon.

"Nakakaramdam siya ng pagod kasi nandiyan ka." sabi ni Elizabeth na ikinangiti ni Shiloh.

"Tssss! Ano kaya iyon? Kung tutuusin nga naiibsan ang pagod namin kapag nakikita naman ang isa't isa at magkasama kami" sabi ni Shiloh.

"Nakakastress ang laging magkasama sa isang relasyon at dapat may space din kayo para mamiss niyo ang isa't isa." sabi ni Elizabeth.

"Hindi kami katulad ng ibang relasyon Miss Elizabeth." sabi ni Shiloh

Napangiti si Elizabeth kahapon pa siya tinatawag ng Miss Elizabeth ng batang lalaki, na kung tutuusin Madame ang tawag sa kanya ng lahat kahit na ang mga modelong naroroon bagay na para sa kanya Donya ang dating niya. Katulad ng isang reyna.

"Ganoon ba? Hmmmn. Sabagay mukhang iba ang closeness niyo na tila matagal na kayo magkakilala." sabi ni Elizabeth na ikinangiti ni Shiloh.

"Siguro nga ang sabi kasi nila mukhang reincarnation kami ng mga dating tao." sabi ni Shiloh na ikinatawa ng maaarte at malakas ni Elizabeth.

"Hahaha! Anong dating tao? Taong Peking o taong Java?" sabi ni Elizabeth na ikinatitig ni Peso sa babae sa pagpatol nito sa bata, at ikinangisi naman ni Shiloh sa kaartehan ng babaeng kaharap.

"Nice, mukha pong hindi niyo nalilimutan ang mga pinag-aralan niyo. Sana magamit mo rin ang Good Manners sa buhay mo." sabi ni Shiloh na ikinasiko ni Peso at ikinatigil sa pagtawa ni Elizabeth kaya napangiti si Shiloh.

Gen 4 Part 2 Infinity 2 : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon