Kabanata 6 : Pila
"Mga loko iyon iniwan ako." sabi ni Hades na ikinatingin nila Haco dito.
Nakita nila si Fayra at Hades sa daan kaya isinakay nila.
"Hayaan mo na kuya." sabi ni Fayra na ikinatingin ni Hades sa kapatid.
"Aissst! Saan ka kasi nagpupupunta. Kaya hayan kahit sila Papa iniwan tayo." sabi ni Hades kay Fayra.
"Mabuti na lang may anghel na tulad namin." sabi ni Umiko na ikinatingin ng magkapatid sa apat na lalaki.
"Aissst! Lagot kayo sa mga lolo niyo dahil nagmamaneho kayo pati chopper talagang minaneho niyo at iniwan niyo ang driver sa Manila." sabi ni Hades sa mga batang pinsan.
"Hahaha! Kaya naman namin." sabi ni Haco.
Samantalang napatingin si Fayra sa babaeng katabi ni Lake sa gilid nito nakayuko ang babae kanina pa kaya hindi niya makita ang mukha nito.
"Nobya mo?" sabi ni Fayra kay Lake na ikinahinto sa pag-uusap nila Hades at iba sabay tingin kay Lake.
"Hindi." sabi ni Lake.
"Ano mo?" sabi ni Fayra.
"Kaibigan, at ka-date." sabi ni Lake sabay akbay kay Hatsukoi.
"Bakit siya nakayuko? Kuba?" sabi ni Fayra na ikinatawa nila Haco, Umiko at Raven at ikinailing ni Hades sa sinabi ni Fayra.
"Nakayuko lang kuba agad?" sabi ni Lake na natatawa.
"Pagamot mo baka kuba." sabi ni Fayra sabay silip sa mukha ng babae na ikinayuko lalo ng babae sa hiya.
"Huwag mo kasing tingnan at naiilang." sabi ni Lake kay Fayra.
"Bakit may tagyawat ba siya?" sabi ni Fayra na ikinatawa at ikinailing ni Hades sa kapatid.
"Wala." sabi ni Lake.
"Ahhh, baka may bakukang sa mukha. Meron ba?" sabi ni Fayra na ikinatawa nila Umiko.
"Hahaha! Sa harap ka nga tumingin." sabi ni Haco sabay akbay kay Fayra at pinatingin sa harapan.
"Saan niyo napulot iyan?" sabi naman ni Hades sa mga pinsan na hindi niya alam kong magkakapatid ang mga ito dahil hindi maghiwa-hiwalay ang apat.
"Sa public school na pinapasukan namin." sabi ni Umiko.
"Ahhh. Okay." sabi ni Hades sabay tingin sa batang babae na nakayuko.
.....................
"Langya, ang tagal naman nila dumating." sabi ni JT sa mga kateammate.
"Bumaba na kasi tayo." sabi ng tomboy sa grupo.
"Mamaya." sabi ni JT sabay tingin sa mga kotse na nagsidatingan kanina at ngayon nakapark sa bakanteng lote malapit sa gym.
.................
"Ano pa ba ang hinihintay natin?" sabi ni Rio sa sixtuplets.
Pigil ang tawa ni Alex dahil kanina pa naiinis si Rio pero wala naman ito magawa dahil ang sixtuplets matitigas talaga at ayaw magpatalo sa volleyball team.
"Nandiyan na sila Luna, bababa na kami." sabi ni Aidan ng makita ang van kung saan sakay ang mga babae sa grupo kabilang si Luna.
"Walang bababa!" sigaw ni Viggo na ikinatawa ng sixtuplets.
BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023