Kabanata 26 : Elizabeth Samo
Days later
"Rollo! Kilos!" sigaw ng coach kay Rollo na kanina pa wala sa sarili.
"Okay ka lang 'tol?" tanong ni Ezio kay Rollo na kanina pa wala sa mood nito maglaro.
"Division level na ito 'tol. Kailangan natin manalo." sabi ni Laszlo kay Rollo.
"Kahit makapasok lang sa pangatlo." sabi naman ni Viggo.
Hindi tulad sa district level na isa lang ang kukunin para ilaban sa Division. Sa level kasi na ito pinaglalabanan nila ngayon kailangan nila makausad sa una hanggang ikatlong puwesto para makasali sa regional o final tournament.
Napatingin si Rollo sa mga kapatid nanalo na sila sa ibang koponan sa mga nagdaang araw at ito ang huli para makuha ang regional level. Kung nadalian sungkitin ang mga panalo kamakailan iba ngayon. Lalo na at...
"Naiilang ka ba?" napangising sabi ni Otto kay Rollo habang nasa bench ang lima ng humingi ng time out ang coach nila.
"Kanino naman?" tanong ni Rollo.
"Nanonood ang asawa mo at buong volleyball team." sabi ni Otto.
"Tsss. Ano ngayon?" sabi ni Rollo.
"Kanina pa siya nakatingin sayo." sabi ni Otto.
"Pake ko." sabi ni Rollo.
"Wala naman nakakaalam na asawa mo na siya." nakangising sabi ni Ezio.
"Kaya nga, so pake ko kung nandiyan siya." sabi ni Rollo.
"Galingan mo." sabi ni Laszlo.
"Wala pa akong tulog mula ng kasal ni Kuya Alex." sabi ni Rollo.
"Mula ng kasal ni Kuya Alex o mula noong ikinasal ka?" sabi ni Ezio.
"Mga 'tol tumayo na kayo, galit na si Coach." sabi ni Laszlo kaya hindi na nasagot ni Rollo ang tanong ni Ezio.
Agad na nagsitayuan ang lima para pumasok sa loob ng court pero bago iyon nasabon muna ito ng coach ng mga ito.
...................
"Ang tagal mo kasi, late tuloy tayo." sabi ni Peso kay Shiloh habang nagmamadali ang dalawa sa pagpasok ng gym kung saan isinasagawa ang tournament.
"Kaya nila iyan." sabi ni Shiloh.
"Sabagay, at kahit naman hindi kayo manalo mas pabor pa rin sa akin." sabi ni Peso na ikinahawak ni Shiloh sa braso ni Peso.
"Mananalo kami." sabi ni Shiloh na ikinatingin ni Peso dito.
"Okay, pero mas okay din na hindi para kumalma ka muna sa pag-iinit mo." sabi ni Peso.
"Mananalo kami at babantayan kita sa kompanyang iyon." sabi ni Shiloh.
"Panalunin mo muna dahil iyon ang usapan mo at ng pamilya mo." sabi ni Peso.
Napangisi si Shiloh saka ito muling naglakad habang hawak sa braso si Peso.
Nang papasok na ang dalawa hiyawan ang unang bumungad sa kanila. Pero nagulat sila Peso at Shiloh ng tambak ang score ang koponan ng Heather Island.
"Mukhang mahihirapan kang kumbinsihin ang pamilya mo sa gusto mong pagsama sa akin." nakangising sabi ni Peso na ikinatiim ng bagang ni Shiloh.
"Paghirapan mo daw muna." sabi pa ni Peso sabay tingin kay Shiloh.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023