Kabanata 2 : Decoded

385 37 11
                                    


Kabanata 2 : Decoded


Napangiti si Rio ng titigan lang siya ni AJ.


"Nagtataka ako, ginawa ako hindi para sayo. Biruin mo ang itlog na pinanggalingan ko ay itlog na galing sa anak ng nobya ni Rafael Valiente. Minsan nakakainggit kasi naisip ko dati ikaw ang nabuhay na si Rafael tapos sana ako nobya niya at ikaw siya."
sabi ni Rio.

Napangiti si AJ saka ito hinawakan sa kamay si Rio

"Naniniwala ka sa reincarnation?" napangiting sabi ni AJ.

"Nangangarap ako, hanggang sa malaman ko ang tungkol kay Shiloh at Peso. Tapos naisip ko, ang aga ko pala pinanganak, pero hindi siguro...

...dahil sapat lang, iyon nga lang sa iba na naman umibig ang Rafael ko." sabi ni Rio na ikinangiti lalo ni AJ.

"Rio, nasanay ka lang sa akin. Pero hindi mo ako gusto, malayo ako sa gusto mo." sabi ni AJ na ikinangisi ni Rio.

"Sino ba talaga ako? Gusto ko malaman kung sino ako para sayo." sabi ni Rio na ikinatahimik ni AJ.

"....masaya naman ako at nabuhay ako na nakasama ka." sabi ni Rio sabay yakap kay Aj.

"Tsss. Ang suwerte ko naman." sabi ni AJ.

"Masuwerte din ako, kasi naging kaclose kita at masaya ako para sayo.

Sana maabutan ko pa ang pag-upo mo bilang leader at bilang hari." sabi ni Rio na ikinayakap ni AJ sa dalaga.

"Huwag kang mag-alala, makikita mo ako. At kasama ka sa mga tatayo sa tabi ko." sabi ni AJ na ikinangiti ni Rio.

Samantalang kanina pa nakikinig si Alex sa pag-uusap ng dalawa, hinahanap niya si AJ kanina dahil hindi siya makatulog sa plano nila kay Rio mamayang gabi.

"Babaero. Tsss. Ang lakas naman ng appeal nito sa babae. May gusto sa kanya si Katara, si Numa, si Luna, si Hestia at ngayon si Rio. Langya! Kamukha naman niya si Amon at mas guwapo naman ako sa kanya." sabi ni Alex sa isip patungkol kay AJ.

.........................

Volleyball Team Rest House

"Whoah! Ang seksi mo." sabi ng kateammate ni JT dito.

"Ang jenes na ito na nililibugan ni Biko ay tututungin siya mamaya. At ang biko niya ay masusunog sa kamandag ko." sabi ni Jenessa sabay liyad nito.


"Ohhhh!"
sigawan ng mga teammate nito.

"Isang spike naman diyan." sabi ng isang kateammate nito na ikinawestra ni Jenessa na lalong ikinahiyaw ng lahat ng komorte lalo ang katawan nito sa tirang ikinapanalo nila sa laban ng Volleyball team.

"Ohhh!" sipol pa ng iba.

Napangiti si Jenessa pero napahinto ito ng makita ang papasok sa pintuan, ang pinakabatang miyembro nila sa suot nito.

"Okay na ako, ito ang susuutin ko mamaya." sabi ng pinakabata sa grupo na ikinatahimik ng lahat.

Nasa rest house sila ng Volleyball team para doon magrehearsal ng pagpasok nila sa gym mamayang gabi suot ang mga gown nila sa party mamaya. Ganoon kasi ang grupo, na ginaya nila sa Cheung Clan kapag umeentra sa mga gathering na laging dindaluhan ng judge na ama ni Jenessa sabay-sabay pumasok.

"Cute ba ako?" sabi ng pinakabatang miyembro.

"Jedenn bakit ganyan ang suot mo?" sabi ni Jenessa na ikinatingin ni Jedenn sa sarili

Gen 4 Part 2 Infinity 2 : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon