Kabanata 23 : Alex and Rio Wedding
2days Later
Helipad, Cheung Hospital
"Hahahaha!" malakas na tawanan ng magpipinsan ng makaakyat sila sa helipad kung saan gaganapin ang kasal nila Alex at Rio.
"Ayos na motiff ito, sino nakaisip?" natawang sabi ni Hades kay Alex ng makita ito nag-iisa sa venue.
Napatingin ang magpipinsang lalaki sa paligid. Malaki ang helipad ng Cheung Hospital na sasakop sa dalawang pribadong big size chopper ng mga Cheung pero dahil gaganapin doon ang kasal ni Alex kaya inilipat muna ang dalawang chopper sa Cheung Hotel.
"Si Rio." sabi ni Alex na napangisi sa sagot niya.
"Baka inimbitahan pa ni Rio ang mga pesyente ng Hospital na nakawheelchair at bed ridden?" birong sabi ni Aidan.
"Ewan ko sa kanya, basta pag-akyat ko ito na ang bumungad sa akin." sabi ni Alex sabay tingin sapaligid.
Pinagmasdan ni Alex ang paligid, okay naman para sa kanya ang pagkakadesenyo. Halatang mga doctor ang ikakasal, puti kasi lahat ng kulay pati mga bulaklak puti. Wala ka ngang makikitang ibang kulay sa paligid. Nagcompliment naman ang lahat dahil saktong asul ang kalangitan at sa view matatanaw ang karagatan ng El Paradiso. Asul na kumikinang mula sa sinag ng araw ng umagang iyon at sa kabilang bahagi naman ang virgin forest ng isla ay tanaw kaya ang malaberdeng kagubatan ay nagmistulang kasama sa desenyo ng naturang lugar.
"Bakit naman kasi dito naisipan niyong magpakasal?" sabi ni Burn na matapos ang pagpapakasal ni Rollo sa Chad heto at si Alex naman ang sasalang at talagang kakaiba ang mga lugar ng mga ito sa pagpapakasal.
Napangiti si Alex, ayaw kasi ni Rio sa mababang lupa o iyong tipong may mga posibleng dumalo o sumugod sa kasal nila. Kaya sa helipad nito naisipan ang venue ng kasal nila, kapag sa helipad kasi sa taas lang posibleng dumaan ang magtatangka dito sakay ng chopper na imposible mangyari dahil may radar panghimpapawid ang El Paradiso at secured ang lugar sa posibleng pagsugod ng kung sino sa isla gamit ang panghimpapawid.
"Para daw sweet." sagot ni Alex na hindi sinagot ang katotohanan para hindi mabahiran ng pag-alala at takot ang lahat sa kasal nila ni Rio.
"Okay na ito, kakaiba." sabi ni Brook.
"Paakyat na sila Lolo mamaya kasama sila Papa. Hintayin na lang natin." sabi ni Burn.
"Nasaan pala si Rio?" tanong ni Aidan.
"Nasa unit ko." sabi ni Alex.
"Sino maghahatid sa kanya?" sabi ni Amon na kanina pa pinagmamasdan ang paligid.
BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
Storie d'amoreAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023