Kabanata 24 : My Escape

301 34 7
                                    


Kabanata 24 : My Escape


Napatingin si AJ kay Alex, at ng ibaba ni Alex ang tawag napatingin si AJ sa relo niya.

Kilala niya si Rio, nasa oras ito dumating kapag sinabi nitong pupunta na o on the way na tiyak iyon kaya inorasan niya ito. Mula sa pag-ikot ng relo, tinantya ni AJ ang pag-akyat ni Rio patungo sa helipad.

At ilang sandali pa ng senenyasan ni AJ ang mga pinsang babae na lumakad kasabay ng pagtugtog ng gitara ni Hestia ngunit.....

"Siraulo! Hahaha!" natawang reaksyon ng mga pinsan ni AJ ng parehas ang kantang inaawit nito at ni Hestia sa wedding ni Rollo.

AJ : Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

"Hahaha!" natawang reaksyon ng lahat

"Pang-asar." nakangising sabi ni Alex habang nakatingin kay AJ na makapagdamdaming kinakanta ang awitin.

"Hahaha! Humanda na ang susunod, iyan ulit ang kanta." natawang sabi ni Burn.

"Ang galing mang-asar." sabi ni Laszlo habang tumatawa ang magpipinsan dahil nakuha pa ni Aj panginigin ang timbre nito.

"Hahaha! Hindi ko siya kukunin." sabi ni Hades na ikinatingin ni Amon dito.

Hestia : Shall I stay?

Would it be a sin

Napahinto ang lahat ng bumukas ang elevator ng helipad na ikinatingin ng lahat dito habang patuloy na naglalakad sila Luna at ang iba sa aisle.

Hestia : If I can't help falling in love with you?

Like a river flows

Napahinto si AJ at hindi na nakaawit habang nakatingin sa kasama ni Rio. Napatingin naman si Hestia kay Aj at sinalo nito ang buong kanta ng hindi na nakakanta si Aj habang nakatingin kay Rio o kung kay Rio ba dahil may kasama ang dalaga na ang akala nila mag-isa lang ito.

"SI Hisoki." sabi ni Amon na napangisi.

"May kasama siyang iba." sabi ni Burn.

"Si Borealis iyong isa." sabi ni Hades.

"Iyong isa taga Green Island." sabi ni Shiloh.

"....ang mapa." dugtong na sabi ni Shiloh sa isip.

"Sino pa iyong isang kasama niya?" sabi ni Otto.

"Baka tatay niya." sabi ni Umiko.

"Wala siyang pamilya di ba?" sabi ni Viggo.

Napatitig si Alex sa matandang lalaki na kasama ni Rio. Mas matanda pa yata ito sa lolo Orion niya pero halatang ang awtoridad sa mukha nito.

Samantalang natahimik ang buong grupo ni Autumn ng biglang umusal si Run.

"Para siyang si lolo Ralph." sabi ni Run na ikinatingin ng magpipinsan dito.

"Tama, naaalala ko si lolo Ralph sa kanya." sabi ni Autumn ng biglang nakaramdam ng kakaiba. Lungkot o pangungulila

"Bakit ako naiiyak?" sabi naman ni Ellie na ikinatingin ni Orion dito.

"Sino kaya siya?" sabi ni Rain sa mga kapatid.

Gen 4 Part 2 Infinity 2 : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon