Kabanata 15 : Pagtutuldok
One Month Later
"Ano?" sabi ni Rollo habang nasa hapag kainan ang buong pamilya ni Wine sa umagang iyon.
"Ikakasal ka na." sabi ni Wine sa seryosong tinig habang si Elle tahimik lang na pinapakain ang kambal nila ni Wine.
"Wow! Kami ang flower girls." masaya at inosentenag sabi ni Periwinkle na ikinatahimik ng sixtuplets.
"Binalaan ko na kayo. Hindi nga lang ako pati ang mga lolo niyo sinabihan na kayo na iwasan niyo ang magbiro below the belt o mga birong nakakasakit at nakakabastos ng isang babae." sabi ni Wine sa mahinahong tono.
"Papa ilang taon pa lang ako. At saka magbibirthday pa nga sila kuya AJ ayoko naman na may asawa na ako sa mga party na dadaluhan ko." sabi ni Rollo.
Nakatingin si Wine kay Rollo habang tila nawalan ito ng gana kumain na kung tutuusin sinadya niya talaga pakanin muna ang anak habang nagbibiruan at nagtatawanan na naman ng mga kapatid nito kani-kanina lang bago niya ilapag ang bomba na ikakatahimik ng anim na batang lalaki.
"Wala akong magagawa kaysa kasuhan ka." sabi ni Wine.
"Ayoko." sabi ni Rollo.
"Hayaan mo hindi pa naman kayo magsasama ni Jedenn, at iyon ang sabi ng mga kapatid ng batang iyon na paulit ulit mong hinalikan." sabi ni Wine.
"Biro lang naman iyon at saka kiss lang iyon Papa." sabi ni Rollo.
Napahingang malalim si Wine isang buwan ang lumipas mula ng victory party ng hindi niya inaasahan na kinabukasan ng party may makukuha siyang sulat galing sa korte mula sa pamilya ni Jedenn. At ilang araw lang ng hindi niya tinugon ang sulat may mga dumating na lalaki sa opisina niya sa Manila kung saan siya nagtatrabaho sa Law Firm na pag-aari ng magpinsang Run at Bullet.
"Hindi biro iyon lalo na bata pa ang hinalikan mo. Sige ikaw, isipin mo kung may hahalik sa mga kapatid mo o sa mama mo na hindi ang asawa niya anong mararamdaman mo?" sabi ni Wine na ikinalunok ni Viggo ng makaramdam din ng takot at kaba.
"Patay ka ngayon, baka ganyan ang gawin ni JT sayo." bulong ni Otto sa kapatid at katabi sa upuan na si Viggo na ikinabutil ng pawis ni Viggo.
"Papa, iba naman iyon." sabi ni Rollo.
"Hindi iba iyon anak dahil kung ilalagay mo ang katayuan mo sa mga kapatid na lalaki ni Jedenn baka hindi lang iyan ang gawin mo. Na kung tutuusin nagpapasalamat pa nga ako at kasal lang hiningi nila at hindi ka rin naman kukunin." sabi ni Wine.
"Hindi ko siya mahal, ang sabi mo sa aming magkakapatid na pipili kami ng babaeng mahal namin para pakasalan. Papa, walang hiwalay sa pamilya natin at ayoko naman na ako ang unang bubuwag sa bagay na iyon." sabi ni Rollo.
"Anak, bata pa naman kayo malay mo magustuhan niyo ang isa't isa o baka malay din natin si Jedenn ang unang umayaw. At saka pagbigyan na natin para walang gulo. Kasi ang binangga mo ay hindi ko kaya.
Alam mong hindi ako ganoon kayaman at alam kong hindi ka tutulungan ng lolo Orion mo dahil ikaw ang mali. At saka ang mga negosyo ng Cheung Clan ay magkakaproblema lalo na ang mga negosyo nila sa NYC kapag hindi natin sinunod ang gusto nila.
Kabilang sa US Army ang apat na kapatid ni Jedenn, mataas ang rank nila. Isama pa na ang dalawa sa kapatid ni Jedenn ay nasa bansa at nasa militar din." sabi ni Wine.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023