Kabanata 30 : Ang Nalalapit na Wakas ng Lahat
"Ano?" gulat sabi ni Hades na ikinangiti ni Katara sabay tagilid nito sa pagkakahiga sa duyan at yakap kay Hades.
"Ayokong itali ka o ang sarili ko sa bagay na ikakasira ng pagiging magkaibigan natin. Gusto ko alagaan ang friendship natin hanggang sa huli. Gusto ko makita na kahit lalaki ka at babae ako may pagkakaibigang tatagal sa magkaibang kasarian." sabi ni Katara.
"Paano ka? I mean, kung ikakasal tayo ng peke." sabi ni Hades
"Walang mawawala sa akin Hades dahil simpleng tao lang ako. Wala naman kukuwestiyon sa akin sa gagawin ko, may mga tsismis na kakalat kapag naghiwalay na tayo pero mawawala din iyon.
Parte naman ng buhay ng isang tao ang pag-usapan ng iba at sa tulad ko na nasa mababang antas ng pamumuhay dadaan lang ang lahat. Bagay na kaya gusto kong manatili sa baba dahil ang lahat sa baba ay panandalian lang. Hindi naman kasi kami malaking tao na kailangan maganda lagi ang nakikita ng iba." sabi ni Katara.
"Okay lang sayo?" sabi ni Hades.
"Oo. Tutal hindi naman mahirap magpanggap dahil alam nilang nobyo kita at saka mas mainam sa akin na matulungan ka." sabi ni Katara.
"Pero okay lang talaga?" di makapaniwalang sabi ni Hades.
"Oo naman. Ayoko mawala ang pagkakaibigan natin. Mahalaga ka sa akin at dahil doon gusto kitang tulungan sa bagay na alam kong ikakaunlad mo at ikakasiya mo." nakangiting sabi ni Katara na ikinangiti ni Hades.
"Salamat." sabi ni Hades sabay yakap kay Katara na ikinangiti ni Katara.
"Uyyyyyy! Ang sweet naman." sabi ni Alex mula sa malayo ng makita magkayakap sa duyan sila Hades at Katara.
Mabilis na kinuha ni Alex ang cellphone at inilagay sa video mode saka kinuhanan sila Katara at Hades na nasa duyan.
Napailing si Rio, kakarating lang nila at mula sa malayo tanaw na nila sila Katara at Hades na nag-uusap. Pero dahil mahina lamang ang tinig ng mga ito kaya wala silang nadinig iyon nga lang naipagpalagay nila Rio at Alex na lambingan ang nagaganap sa magkasintahan.
"Happy couple." masayang sabi ni Alex.
"Uyyy!" gulat na sabi ng dalawa na ikinahulog ng mga ito sa duyan.
"Hahaha! Ang cute nito." natawang sabi ni Alex ng makuha sa camera ng cellphone niya ang lahat.
"Bakit kayo nandito?" sabi ni Hades habang yakap si Katara at nakahiga ang dalawa sa buhanginan.
"Say hello muna." pilyong sabi ni Alex.
"Siraulo! Patayin mo iyan." sabi ni Hades sabay takip ng katawan nito kay Katara para hindi makita ang dalaga sa video dahil alam niyang may gagawing kapilyuhan si Alex.
"Hahaha! Masaya ito." sabi ni Alex sabay patay ng video at mabilis na binuksan ang socmed account nito at ipinost ang naturang video.
"Uyyyy! Baliw ka talaga." sabi ni Hadesa ng ang inaasahan ay ginawa nga ni Alex.
"Hahaha! Ang katapusan ng mga babae sa buhay mo." sabi ni Alex at natawa pa ito ng makita ang mabilis na paglike at pagcomment ng mga pinsan sa post niya.
"Aissst!" sabi ni Hades na agad na tinulungan si Katara makatayo.
"Ano bang kinakahiya mo? Nobya mo naman siya at karaniwan at tipikal lamang iyan." sabi ni Rio na ikinatingin ni Hades dito.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023