Kabanata 10 : Mga Bawal na Pag-ibig
Heather Island
"Sir AJ may tawag po kayo." sabi ng tauhan ni AJ na ikinatingin ni AJ dito.
"Sino?" tanong ni Aj sa mahinang tinig habang kasama nito si Hestia.
"Taga Green Island po." mahinang sabi ng lalaki na ikinakunot noo ni AJ."Sagutin mo na." sabi ni Hestia kay AJ.
Napalingon si AJ sa paligid at masigurong walang nakatingin sa kanila dahil nakabaling ang mga mata ng grupo sa sixtuplets kaya agad niyang kinuha ang tawag.
"Akin na." sabi ni AJ.
"Ito po." mahinang sabi ng tauhan ni AJ sabay abot ng cellphone dito.
"Hello." sabi ni AJ sa kabilang linya.
"Don, parating ang tatlong sinasabi ko sayo na posibleng anak ng tita niyong si Adira." sabi sa kabilang linya ng lalaki.
"Parating? Paano mo nalaman?" sabi ni AJ sabay tingin sa batang babaeng nasa likuran ng volleyball team at tila takot ito makalapit sa nagaganap na komosyon sa table ng mga ito.
"Iyong pinsan niyo Don inatake iyong kapatid nila. Nagsumbong sa mga ito sabi ng espiya at ngayon uuwi po ng Pinas para rumesbak." sabi sa kabilang kinya.
Napangisi si AJ sabay tingin sa isa sa pinsan niya.
"Don, anong susunod na gagawin?" sabi ng lalaki sa kabilang linya ng hindi umimik si AJ.
"Kunin niyo ang tatlo at dalhin niyo sa Infinity Island." sabi ni AJ.
"Okay Don, kapag lumapag ang eroplano nila babantayan namin agad." sabi ng lalaki.
"Oo, bantayan niyo ng maigi. Huwag niyo hayaan matulad kay Trail." sabi ni AJ."Don, mukhang hindi naman mangyayari iyon dahil hasa din ang mga mata nito at mga katawan ng mga iyon sa laban." sabi ng lalaki na ikinangiti ni AJ.
"Tama ka, pero kailangan ako muna ang unang makakita sa kanila." sabi ni AJ.
"Okay Don." sabi ng lalaki.
"Nasa akin ang isa, kailangan ko ang tatlo." sabi ni AJ
"Ang isa Don?" sabi ng lalaki.
"Nandito na si Hatsukoi. Matutuwa si Tita kapag nakita niya na ang tatlong anak niya ay kabilang sa US Army," sabi ni AJ na ikinangiti ng lalaki sa kabilang linya.
"Panigurado Don, mababawasan ang takot nila mag-asawa." sabi ng lalaki.
"Tama. Sa ngayon bantayan niyo ang tatlo huwag niyo hayaan may makalapit na iba." sabi ni AJ.
"Okay Don." sabi ng lalaki.
"Malandi ka!" sigaw ni E na ikinalingon ni AJ.
"Sige na, manonood pa ako ng laro." nakangising sabi ni AJ sa kausap sa kabilang linya ng marinig ang komosyon, na ikinaikot ng mga mata ni Hestia ng makita ang pilyong mga mata ni AJ na nakatingin sa kung ano.
Nang maputol ang linya agad na binigay ni AJ sa tauhan ang cellphone at napangiting tumingin kay Hestia.
"Ano?" sabi ni Hestia.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023