Ang lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan...
infinity 2
Date Started : December 12, 2022
Date ended : January 1, 2023
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Halika doon tayo." masayang sabi ni Fayra kay Hatsukoi sabay hawak sa kamay nito.
"Wait, sure ka ba?" tanong ni Umiko sa pinsan na si Fayra.
"Sure saan?" masayang sabi ni Fayra.
Napatingin ang magpipinsang lalaki sa paligid madilim na sa puwesto nila kaya wala ng makakakita sa kanila.
"Na anak iyan ni tita Adira?" sabi n Haco kay Fayra.
"Oo, naman." sabi ni Fayra.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Brook.
"Una, may marka siya ng Valiente na tatak ng mga babaeng Valiente.
Pangalawa, kamukha siya ni tita Adira." sabi ni Fayra na ikinatingin ng lahat kay Hatsukoi kaya napayuko ang bata sa hiya.
"Saan banda?" sabi ni Laszlo na ikinatawa ng sixtuplets.
"Hahaha! Mas bulag ka pa yata kay Suri." sabi naman ni Otto kay Fayra na ikinatawa ng sixtuplets.
"Bumili ka na ng salamin baka isang libo na ang grado niyan." natatawang sabi ni Viggo kay Fayra.
"Aissst! Kamukha kaya ni Tita." inis na sabi ni Fayra na ikinatawa ng grupo ng palibuatn ng sixtuplets si Hatsukoi at pagkatitigan ang mukha nito.
"Langya, kahit ilang linggong paligo ang gawin malabo." sabi ni Viggo kay Fayra.
"Ang bubulag niyo, mga bata pa kasi kayo." sabi ni Fayra na ikinatingin ng sixtuplets kay Fayra.
"Anong connect?" sabi ni Ezio.
"Tama anong connect?" sabi ni Rollo.
"Sabi sa nabasa ko ang mga kabataan ay buka ang bibig ang pinaiiral, at ang mga matatandang puro salita ay hindi nag-iisip. Ang tunay na maturity ng isang tao ay nakikita sa kung paano siya nagsasaliksik o tumitingin na may pag-aaral sa isang bagay o tao, lalo na sa pangyayari." sabi ni Fayra na ikinahipo ni Laszlo ng ulo ni Fayra.
"Langya, malala na ang pagbabasa mo. May nabasa ako ang sobrang pagbabasa ay nakakabaliw para itong panonood ng sex video." sabi ni Laszlo na ikinatawa ng mga pinsan nitong lalaki.
"Hahaha! Gago talaga." sabi ni Camilo.
"Hay naku! Mga bata pa kasi kayo at hindi seryoso kaya wala din talaga magseseryoso pa sa inyo." sabi ni Fayra sabay hawak sa buhok ni Hatsukoi at hinawi ang nakatabing na buhok sa kabilang mukha nito.
"Sa lahat ng matatalinong matsing pagmasdan niyo. Kamukha siya ni Tita. Ang kalahating mukha niya ay kay Tita Adira." sabi ni Fayra na ikinatahimik ng magpipinsan sabay titig kay Hatsukoi.