Ang lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan...
infinity 2
Date Started : December 12, 2022
Date ended : January 1, 2023
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Shikoku, Japan
Months later
Continuation of the Epiloque Forgotten Novel
"Nilalamig na talaga ako." sabi ni Suri.
Napatingin si Hisoki kay Suri, ilang buwan na silang nagpapalipat-lipat ng lugar sa Japan at ngayon nasa malamig na lugar sila ng Shikoku Province.
"Hindi tayo puwede umalis, kasi wala pa ang kuya mo." sabi ni Hisoki.
"Bakit ba ako ang hinuhunting nila?" sabi ni Suri.
"Bukod kasi sa nalaman mo, may isa sa grupo na gusto gumanti sa Papa mo." sabi ni Hisoki.
"Si Papa, dahil ba doon sa napatay niya sa Green Island dati?" sabi ni Suri.
Napatitig si Hisoki sa dalagita, limang buwan na silang nagtatago. Nag-aalala na rin siya dito, nangangayat na rin kasi si Suri dahil sa palagiang pagkakasakit nito at wala rin itong ganang kumain. Hindi naman sila makalabas ng bahay para ipagamot ito dahil baka mamatay ito sa ginaw at sa mga taong humahabol sa kanila.
"Oo." sabi ni Hisoki.
"Gusto ko ng umuwi. Kailan ako makakauwi?" sabi ni Suri.
"Kapag natigil na ang pag-hahunting sayo." sabi ni Hisoki.
Hindi na umimik si Suri ng makaramdam na naman siya ng sakit ng ulo. Isa sa kahinaan ng katawan niya ang sobrang lamig o init pakiramdam niya katapusan na niya.
"Sorry ha." sabi ni Hisoki ng makita ang hirap na kalagayan ng dalaga. Maliit lamang ang tinitirhan nila, isama pa na wala na siyang makuhanan ng makakain nila kaya nga minsan humihingi na lamang siya sa bayan.
"Para saan?" sabi ni Suri habang nasa loob ng maliit na bahay ang dalawa.
"Hindi na kasi kita kayang protektahan, hindi ko na sila kayang pigilan. Wala na rin akong pera dito para sa pagkain natin at ibang pangangailangan." sabi ni Hisoki.
"Galit sila sayo?" sabi ni Suri.
"Oo." sabi ni Hisoki.
"Bakit? Kasi ba lagi kang nandiyan sa tabi ko?" sabi ni Suri.
"Oo." sabi ni Hisoki.
Nasa Japan sila ng mga panahon na iyon ng utakan ni Hisoki ang isang grupo na nakakita sa kanila sa Manila. Sinabi niyang bihag niya si Suri at balak na niyang ibigay sa grupo ng sa ganoon hindi kunin ang dalaga sa kanya, pero pagdating sa Japan agad na pumuslit ang dalawa para makatakas sa mga lalaking kasama nila.