Kabanata 28 : Pangangalaga sa Reyna

334 36 11
                                    


Kabanata 28 : Pangangalaga sa Reyna

Isla Bonita


"Whoah!" sigawan ng mga manonood ng magserve ng bola si JT.

Nagpatuloy ang laban habang nanonood lamang ang sixtuplets at si Peso sa koponan ng Heather Island, masasabing magagaling nga ang mga ito. Iyon nga lang mahina sa distraction ang mga ito na nagiging dahilan ng destruction ng laro ng mga ito.

"Hoy!" sigaw ni Jedenn na kanina pa naiirita sa hindi mapigil na pambabastos mula sa mga manonood na pati babae nakikisali.

"Jedenn!" sigaw ni JT na saktong tumama ang bola ng volleyball sa mukha ni Jedenn na ikinatawa ng lahat.

"Hahaha! Bakit kasi may bata diyan?" sigaw ng isang lalaki.

"Ouch." napaiyak na sabi ni Jedenn na napaupo sa lapag.

Napatingin naman ang magkakapatid ng matamaan sa bola si Jedenn sabay tingin sa grupo ng lalaking nagtawanan.

"Ano ba kasi? Nasa laro tayo. Hayaan mo sila." sabi ni JT.

"Ang ingay eh, nakakainis." sabi ni Jedenn.

"Malamang laro ito, dapat masanay ka na." sabi ni E kay Jedenn.

Tumawag ng time out ang coach nila Jedenn kaya inalalayan ng dalawa si Jedenn para makapunta sa bench.

"Papalitan ka muna." bungad na sabi ng coach kay JT ng makalapit ang team sa bench.

"Coach?" sabi ni JT na nagulat sa sinabi ng coach

"Hindi makapagconcentrate ang mga kasama mo." sabi ng coach.

"Pero coach wala naman akong ginagawa." sabi ni JT.

"Hindi ka na muna maglalaro tutal nagawa mo na ang parte mo. Kaya tingin ko naman kaya na ni E ipagpatuloy." sabi ng coach na ikinatiim ng bagang ni Jt pero tumango ito.

"Okay." sabi ni JT.

.....................

Three days later

El Casa, El Paradiso

"Bigay ni Don sayo." sabi ng isang lalaki kay Shiloh ng may sumalubong kay Shiloh sa hallway ng El Casa

Napatingin si Shiloh sa lalaki nasa El Paradiso siya ng araw na iyon dahil iyon ang unang araw ng trabaho nila ni Peso sa Nicolas Lingerie kung saan sa El Casa ang meeting place ng pagpapakilala kay Elizabeth Samo, ang may-ari ng kompanya.

"Kanino uli?" tanong ni Shiloh alam niya kasi na wala si Aj at nagpaalam ito na isang linggo mawawala kaya nga kailangan din niya matapos ang pinapagawa nito sa loob ng kompanya ng lolo ni Hades.

"Bigay sayo ni Don." sabi ng lalaki sabay lapit pa sa pagkakaabot ng bagay na nasa kamay nito.

"Don?" napakunot na sabi ni Shiloh sabay napangiti ito.

"Regalo niya sayo." sabi ng lalaki.

Ilang araw ng wala si Aj at alam ni Shiloh na hindi naman ito tatawag kaya naisip nito na may pinakasuyuan ito na tauhan.

"Dito ka nagtatrabaho?" sabi ni Shiloh na ikinatango ng lalaki sabay abot ng nasa kamay nito.

"Oo, isa ako sa security." sabi ng lalaki na ikinatitig ni Shiloh dito at ilang sandali lang tinawag ng guard ang lalaki na ikinatango ni Shiloh.

Gen 4 Part 2 Infinity 2 : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon