Kabanata 18 : Ang Punla ng Hari at Reyna
Cheung Mansion
"Oh My God. Ano ito?" tanong ni Rio ng makita ang ikatlong palapag ng Cheung Mansion
"Okay ba?" sabi ni Alex na ikinalunok ni Rio ng makita ang nasa palapag na iyon. Close ang area at hindi niya inaasahan na isa iyong laboratory.
"Ang mansion na ito ay dating pinagtirahan ng pamilya ni lolo Ralph noong binata pa lang siya." sabi ni Alex.
"Ng pamilya niya? First Family?" sabi ni Rio
"Oo, at nadiskubre ko ang lugar na ito." sabi ni Alex.
"Then?" sabi ni Rio.
"At siraulo si Aj." sabi ni Alex na natawa.
Napatingin si Rio kay Alex. Napangiti si Alex sabay turo sa isang malaking tube kung saan may sanggol na nasa loob nito.
"Ang batang nasa loob ay anak nila ni Hestia." sabi ni Alex na ikinalunok ni Rio.
"Kailan iyan lalabas o I mean mukhang matagal na iyan? Ang ibig kong sabihin..." hindi maituloy na sasabihin ni Rio. Hindi bago sa kanya ang ganoong proseso dahil ginagawa na iyon sa laboratory sa Japan.
"Hindi iyan lalaki hanggat hindi natatanggal sa tube na iyan. Ang ibig kong sabihin kung si Shiloh nabuhay ng matagal sa isang tube na hindi pa nabubuo bilang sanggol iyang sanggol naman na nakikita mo ay kahawig ng pagbuo kay Shiloh, ang pagkakaiba nga lang isang sanggol na." sabi muli ni Alex.
Napatitig si Rio sa sanggol na nasa sisidlan. Hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ni AJ sa mansion.
"Nakikita mo ang ibang tube na hindi pa buo?" sabi pa ni Alex.
Napatingin muli si Rio sa paligid, hindi niya akalain na may laboratory sa bansa na iyon na nakatago sa mansion ng mga Cheung.
Isang sanggol na nasa tube at babae iyon. Tila lamang laruan pero hindi, dahil nakikita mo ang pagtibok ng puso nito na tila nasa loob lamang ito ng bahay bata ng isang ina.
At sa pagbaling ni Rio sa mga tube na nasa mahabang mesa na halatang may ginagawang experiment doon. May mga nakakalat na vials sa palibot ng hindi lang iisang microscope. May mga equipment pa doon at mga makina na tumatakbo. May malalaking machine at sisidlan sa paligid.
"May itlog ka sa akin." biglang sabi ni Alex na ikinalunok ni Rio.
Napangiti si Alex at naglakad na ikinasunod ng tingin ni Rio. Huminto si Alex sa isang malaking freezer kung saan nakalagay ang maraming tube. Kinuha nito ang isang vial na umuusok pa dala ng malamig na temperatura.
"Naisip kong gawin ang anak natin tulad ng kay AJ." sabi ni Alex na ikinatitig ni Rio dito.
Muli hindi bago kay Rio ang ganoong senaryo, doctor siya ng isang laboratory at ginagawa naman talaga ang pag-iimbak ng egg at sperm cells saka iyon pag eeksperimentuhan sa paghahalo ng mga ito.
"Gusto mo bang maging ina niya?" sabi pa ni Alex na ikinatalim ng mga mata ni Rio ng hawakan ni Alex ang vial o isang tube na may pag-iingat.
"Fuck! Huwag mong bababuyin ang itlog ko para ihalo sayo." sabi ni Rio.
"Hahaha! Okay, pakasalan mo ako." sabi ni Alex na natawa sa reaksyon ni Rio na tila papatayin siya nito.
"Nasaan ako?" sabi ni Rio.
BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomantizmAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023