Kabanata 32 : Pagtatadhana
Napatingin si Amon kay AJ ng mamula ito sa galit pero sa akmang pagsasalita niya ng biglang umusal ito.
"Iyong dalawang pares ng cornea ng mag-asawa na napatay ni Shiloh sa aksidente, kunin mo para ibigay kila Shiloh at Peso." seryosong sabi ni Aj kay Amon.
Napatingin si Aj kay Amon saka ito muling nagsalita.
"Hindi ko kukunin ang Emperio sayo, pero kukunin ko na ang pamamahala ng Cheung Clan." sabi ni Aj kay Amon.
"Kung ayoko." sabi ni Amon
"Ibibigay ko sayo, pero makakalaban mo ako at hindi mo iyon magugustuhan dahil sinisiguro ko mahahati tayo, at sa pagkakahating iyon hindi mo makakasama ang kakambal mo." sabi ni Aj na ikinangisi ni Amon saka ito umusal.
"Puro ka pananakot, puro ka salita, puro ka plano at puro..." udlot na sabi ni Amon ng bigla itong suntukin ni AJ na ikinahiyaw ni Hestia.
"AJ! Tama na!" sigaw ni Hestia sabay yakap kay Aj.
Napahandusay sa lapag si Amon pero nakuha nitong tumingin kay AJ sabay kapa nito ng labing pumutok at may dugo.
"Wala kang kuwenta. Kapag nakikita kita at ang mga ginagawa mo nakikita ko ang mahinang ako. Isa kang hadlang sa katauhan ko, dahil tuwing nasisilayan ko ang bakas mo iniisip ko ang unti unting pagguho ng pamilya ko." sabi ni Aj
"Ang mahirap sayo Aj naghahanap ka ng sisisihin at ako ang nakikita mo, pero ang totoo sarili mo ang nakikita mo sa akin na isang tamang damdamin na nadadama mo kapag nasisilayan mo ako.
Hindi ka sa akin nagagalit, kundi sa katauhan mo." sabi ni Amon saka ito tumayo.
"Hahanapin ko Suri, kasi kahit anong sabihin ko sayo hindi ka makikinig." sabi ni Aj.
"Kasi mas may alam ako sayo." diin na sabi ni Amon.
"Siguro tama ka. Mas madunong ka nga sa akin, at mas may karanasan. Pero tandaan mo hindi mo makukuha ang lahat kung hindi mo alam ang salitang pagmamahal." sabi ni Aj saka nito hinawakan si Hestia at nagmamadaling umalis.
......................
Cheung Hotel, El Paradiso
Kinabukasan
"Sa wakas nagpakita ka rin ." sabi ni Autumn ng bumungad si Aj sa conference room ng Cheung Hotel.
"Si Suri? Nahanap na ba?" sabi ni Aj sa ama, mga tiyuhin at sa mga lolo at lola nito.
"Saan ka nagpunta?" seryosong sabi ni Autumn sa tanong ni AJ.
"Sinong kumuha kay Suri? May report na ba?" tanong na sagot din ni AJ na ikinatingin ng lahat sa mag-ama.
"Hinahayaan kita dahil iyon ang gusto mo, pero itong nangyayari gusto mo rin ba? Itong mga nagaganap okay ba sayo? Maganda ba?" sabi ni Autumn.
"Si Suri? Nasaan si Suri? May follow up report na ba?" seryosong tanong na sagot muli ni AJ na ikinagulat ng lahat ng pukpukin ni Autumn ang mesa ng conference room sa inis nito sa hindi pagsagot ng tama ni AJ.
"Bullshit AJ! Kailan ka magigising at kikilos sa nagaganap?" sigaw na pagalit na sabi ni Autumn.
Napatitig si Aj kay Autumn saka ito muling patanong na sumagot.
"Si Suri, may balita ka na?" sabi ni Aj na ikinatahimik ng lahat habang napatiim ng bagang si Autumn.
"Bakit hindi ka umayos? Bakit kahit alam mo hindi ka kumilos? Bakit nanatili ka sa kung nasaan ka habang pinapanood ang alam mong magaganap?" sabi ni Autumn.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomantizmAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023