Kabanata 16 : Ang Pagpupunla ng Isang Alas
Cheung Mansion
"Kamusta?" sabi ni AJ mula sa kabilang linya.
"Heto humahanap ng tiyempo." sagot ni Alex ng sagutin ang tanong ni AJ na hindi niya inaasahang tatawag dahil isang buwan din itong hindi nagparamdam sa kanya.
"Alex, isang buwan na wala ka pa rin ginagawa." sabi ni Aj na para sa sarili niya sinadya niyang huwag tawagan si Alex para makapag-isip ito at makagawa ng madaliang paraan sa mga plano nito.
"Anong magagawa ko? Ang babaeng ito maingat." sabi ni Alex.
"Maingat? O baka natatakot ka." sabi ni AJ
"Hay naku! Namumublema ako dahil sa laki ng mansion hindi ko siya minsan makita kapag tapos na ang trabaho niya." sabi ni Alex
"Eh di gawin mo kapag nasa trabaho siya." sabi ni AJ.
"Alam mo ikaw ang akala mo madali lang ang lahat. Kung nasa puwesto kita at kung ganitong babae ang kasama mo baka magdalawang isip ka rin." sabi ni Alex.
"Hahaha! Kaya ka napagkakamalan na walang alam kasi takot ka gumawa ng desisyon kahit meron ka naman solusyon." sabi ni Aj na bahagyang natawa sa naaninagang pangamba ni Alex para sa sarili.
"Hindi ko nga siya makorner at kapag nasa elevator naman siya para lagi siyang nakahanda kung aatake ako." sabi ni Alex na may katotohanan naman dahil pakiramdam niya pinapakiramdaman lang din siya ni Rio.
"Hahaha! So, natatakot ka nga." natawang sabi ni AJ na hindi naman kasi malabo na matakot si Alex dahil S.A si Rio at hindi lang pangkaraniwang doctor. Bukod doon wala itong takot pumatay lalo na kapag nasa bingit ito ng kamatayan.
"Okay okay sige natatakot ako kasi baka patayin ako nito." sabi ni Alex habang nasa ikatlong palapag ito ng mansion.
"Hahaha! Alex naman nasa teritoryo mo ikaw. Ang malaking bahay na iyan ay dapat ikaw ang naghahari." sabi ni AJ na bahagya uli natawa dahil hindi niya inaasahan na ang mga anak ni Ash Valiente ay malayong malayo dito, pagdating sa babae.
"Naghahari? My God ang babaeng ito hindi katulong ng palasyo kundi sundalo." sabi ni Alex sa nanlalaking mga mata.
"Tsss ! Okay sige papayuhan kita. Si Rio mabait naman iyan, iyon nga lang iyong tiwala talaga niya sa isang tao mahirap kunin. Pero tulad ng ibang tao partikular ng isang babae kailangan mo lang ng langis o konting awa o kababaan para bumigay." sabi ni Aj.
Hindi umimik si Alex, hindi naman kasi siya mahilig makipagnobya kung kani-kanino bagay na pareho sila ni Amon. Siguro dahil pinalaki sila ng ama nilang si Dr. Ash Valiente na magpokos sa kung anong kukunin nila o posisyon na dapat matamo. Oo, tulad ng ibang lalaki naaakit sa mga babae pero hanggang fling lang, isang araw tapos okay na.
Nang hindi umimik si Alex napaisip si Aj. Alam niyang negosyo ang nasa isip ng kambal ni Dr. Ash Valiente. Mga bata pa lang ito sinasabi na ng ama ng mga ito ang puwesto na nararapat sa dalawa kaya hindi rin niya masisisi kung ang nasa utak nila Amon at Alex ay posisyon at yaman.
"Ikama mo na." biglang sabi ni Aj
"Ha?" napakunot na noo na sabi ni Alex.
"Wala ka ng oras, kapag nalaman ni Rio na niloloko mo siya mas delikado ka at mas lalong hindi mo siya makukuha at hindi na kita matutulungan kapag nangyari iyon. Ayoko din mawalan ng tiwala si Rio sa akin, dahil delikado siya sa buong grupo kapag naisipan niyang gumanti. Bukod sa marunong siyang makipaglaban ng pisikal isa siyang doctor Alex na puwedeng maging hadlang sa ating lahat." sabi ni AJ.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023