Kabanata 12 : Mga Bulalakaw
"Isang pizza." sabi ni Burn kay Numa ng mailapag nito ang kakukuha lang na pasta.
"Okay." sabi ni Numa saka muli itong umalis na ikinangiti ni Burn.
"Uy kanina pa pabalik-balik ang nobya mo." sabi ni Hades kay Burn.
"Ginusto niya iyan." sabi ni Burn.
"Grabe, mapapagod si Isaw." sabi ni Laszlo kay Burn."Ginusto nga niya. Nag-alok ako ng tulong o tinutulungan ko siya kanina kaso sabi niya umupo na ako at magtatrabaho siya kaya iyan magtrabaho siya at pagsilbihan ako." sabi ni Burn.
"Kapag napagod iyan baka magkasakit iyan." sabi ni Ezio kay Burn."Siya ang pumili ng gusto niya kaya pinagbigyan ko lang." sabi ni Burn.
"Okay." sabi ni Shiloh saka ito nagtaas ng kamay.
"Waiter!" sigaw ni Shiloh na ikinatingin ng mga waiter.
"Si Numa! Pahinging sampung pasta at sampung burger, sampung softdrinks na rin isang lapagan lang kasi gutom na kami!" sigaw ni Shiloh na ikinanlaki ng mga mata ni Burn
"Siraulo ka! Ang dami nun, paano niya mabibitbit iyon." sabi ni Burn kay Shiloh.Napatingin si Shiloh kay Burn saka ito napangiti.
"Ginusto niya iyon eh at iyon ang sabi mo." sabi ni Shiloh.
"Loko ka talaga." sabi ni Burn sabay tingin kay Numa na nagmamadaling maglagay ng mga inorder ni Shiloh.
"Asar." inis na sabi ni Burn at akmang tatayo ito ng hawakan ito ni Amon sa braso.
"Hayaan mo lang." sabi ni Amon na ikinatingin ni Burn dito.
"Ayoko nga." sabi ni Burn.
"Huwag kang parang aso na sunod ng sunod sa nobya mo. Maglagay ka naman ng pangarap para sa sarili mo." sabi ni Amon.
"Huwag kang mag-alala naglalagay ako." sabi ni Burn sabay hawak sa kamay ni Amon at tinanggal iyon pero muli itong hinawakan ni Amon.
"Makinig ka sa akin, kasi kahit ang Papa natin ayaw ng ginagawa mo. At sa kinikilos mo pinapahamak mo ang nobya mo." sabi ni Amon.
"Leader ka lang pero hindi kita kapatid." sabi ni Burn na ikinangisi ni Amon saka nito tinitigan si Burn.
"Ganoon ba? Okay." sabi ni Amon saka nito binitawan si Burn na ikinatitig nito kay Amon
"Waiter!" sigaw ni Amon sabay turo kay Numa.
"Bilisan mo at nagugutom na kami!" sigaw ni Amon na ikinatahimik ng grupo at ikinatingin ng mga magulang ng grupo sa mga ito.
"Huwag mo siyang utusan ng ganyan dahil ako lang ang may karapatan." sabi ni Burn.
Agad naman lumapit si Numa ng makita ang komosyon sa mesa nila Burn. Mabilis na kinuha ni Numa ang dalawang tray na may lamang burger at pasta.
"Mga sir ito na po." sabi ni Numa na ikinatingin ng buong grupo kay Numa. Napaiwas naman ng tingin si Katara sa kaibigan ng makitang hindi ito magkaundagaga sa paglapag ng tray na punong puno ng laman.
"Ako na." sabi ni Burn na napatiim ng bagang.
"Sir okay lang kaya ko po." sabi ni Numa na ikinatitig ni Burn sa nobya.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023