Kabanata 5 : Ang Pag-ibig ng Bawat Isa
Heather Gym
"Wala pa sila kaya mamaya na tayo pumasok." sabi ni JT sa mga kasama.
"Talagang hihintayin natin sila, Jenessa?" sabi ng team captain ng volleyball.
Napangiti si Jenessa sa sinabi ng captain nila, mabait naman ito lalo na kung nananalo sila sa laro. Ito nga ang tagapagtanggol nila sa coach nila at naglilinis ng mga kalokohan ng team.
"Oo naman cap, para masapawan natin sila." sabi ni Jenessa.
"Ako ready na." sabi ni Jedenn na ikinangiti ng buong team sa suot ng pinakabata sa grupo.
"Hahaha! Okay iyang suot mo." sabi ng isa sa teammate ng mga ito.
Nasa mini bus ang buong team habang nagmamasid sa labas ng gym ng school kung saan marami ng mga estudyante na talaga naman nag-effort ang mga mag-aaral para sa kakaiba at eleganteng Victory Party ng sixtuplets na kung tutuusin district level pa lang ang nagaganap. Wala pa ang division level at ang pinakamalaki ang regional kung saan maglalaban-laban ang magagaling na koponan ng high school sa buong bansa.
"Grabe! What more pa kung manalo sila sa regional, baka sa big dome na tayo pumunta." sabi ng tomboy sa team.
"Hindi lang iyon baka sagot na ng mga iyan ang pamasahe ng buong junior high." sabi ng isa kateammate ni JT.
"Ito ang pinakamasayang batch sa nakikita ko at masuwerte ang nasa batch ng sixtuplets." sabi pa ng isang tomboy sa team
"Mas masuwerte ako, naabutan ko pa." napangiting sabi ng captain na ikinatawa ng lahat dahil fourth year high school na ang captain nila at sinasabing si JT ang susunod na captain ng team.
Napangiti si JT sa sinabi ng captain nila, kaya naman todo ensayo siya para makuha ang posisyon na tatalo sa kasikatan ng basketball team.
"Kung masusungkit ni JT ang team captain ng volleyball team ilang taon siyang makikinabang sa ganitong party," biro ng isang 4th year team member nila na ikinangiti ni JT.
"Huh! Hindi ko pinangarap makisawsaw sa victory party nila at kaya lang naman ako nandito dahil kay Captain na huling taon na." sabi ni JT na ikinangiti ng captain nila.
"Pakikisama ang tawag dito para dumami ang supporters natin sa mga laban natin, mas masaya kasi sa pandinig ko kapag maraming sumisigaw para sa team na kailangan mong hawakan bilang susunod na team captain, Jenessa Timothy." sabi ng captain na ikinangiti ni JT.
"Pakikisama? Huh! Gagawa ako ng sarili nating gathering sa gym na ito at tayo ang magiging hari ng gym ng Heather Island." sabi ni JT.
"Wow! Lakas ng fighting spirit." sabi ng tomboy na team.
"Kailangan natin manalo sa lahat ng laban at maging champion sa Regional level. Uungusan natin ang basketball team para mabawasan ang yabang nila." sabi ni JT.
"Galit na galit? Ramdam eh." natawang sabi ng isa sa team ni JT.
"Hindi naman, pero kapag naaalala ko lang ang pagdakma sa suso ko ng isa sa sixtuplets, nabubuweset ako at nag iinit." sabi ni JT na ikinatawa ng lahat.
"Nag-iinit? Wow! Hahaha! Baka ibang init yan JT bata ka pa. Baka kakapanood mo iyan ng scandal." sabi ng ikalawang tomboy na ikinatawa ng team.
"Siraulo." sabi ni Jt na lalong ikinatawa ng lahat.

BINABASA MO ANG
Gen 4 Part 2 Infinity 2 : Completed
RomanceAng lahat ay iikot na siyang magdudugtong sa dalawang mundong walang hanggan... infinity 2 Date Started : December 12, 2022 Date ended : January 1, 2023