Kabanata 17 : Mga Payo ng Hari

372 39 16
                                    


Kabanata 17 :  Mga Payo ng Hari

El Casa, El Paradiso


"Busy ka ba?" sabi ni Hades na ikinatingin ni Amon sa biglaang pagpasok ni Hades sa opisina niya na hindi man lang kumakatok

"May kailangan ka?" tanong ni Amon ng makitang seryoso si Hades.

Umupo si Hades sa sofa katapat ng mesa ni Amon saka ito tumingin sa pinsan.

"Maniningil na ako ng pautang." seryosong sabi ni Hades.

"Pautang?" kunot noo na seryosong tanong ni Amon.

"Amon, kailangan ko na ng back up." sabi ni Hades

"Para saan?" tanong ni Amon.

"Maglalabas ng bagong lingerie ang negosyo ng peke kong pinsan kailangan niya ng modelo." sabi ni Hades.

"Then?" sabi ni Amon

"Ang mga escort mo ang ialok mo." seryosong sabi ni Hades.

"Ano?" nagtatakang sabi ni Amon

"Magaling ka sa pagnenegosyo kapag nakuha natin ang pagmomodelo ng lingerie na iyon makakapasok ako sa loob ng hindi niya namamalayan." sabi ni Hades.

"Hades, malabo ang gusto mo. Alam naman siguro ng babaeng iyon kung sino ang ama mo." sabi ni Amon.

"Hindi ako kilala ng babaeng iyon dahil matagal na nilang tinakwil ng tatay niya ang mama ko. Kahit napangasawa ni Mama si Papa hindi nila alam na nagkaanak ang dalawa at ako iyon o kung alam nila nasisiguro ko ang alam nila patay ang bata." sabi ni Hades.

"Imposible iyon sa isang negosyante ang hindi alamin ang puwede nilang maging kaaway o kabangga." sabi ni Amon.

"Ang alam nila may sakit si Mama at hindi na nito naaalala ang nakaraan. At saka sa yaman na meron si Papa alam kong naiisip nila na kontento na si Mama sa kung anong meron siya." sabi ni Hades.

"Iyon naman pala so bakit mo pa kukunin ang negosyo na dapat sa mama mo?" sabi ni Amon.

"Tama ka, negosyo para sa Mama ko na dapat sa akin." sabi ni Hades na ikinangisi ni Amon.

"Himala! Nagkaroon ka ng interes sa yaman na meron ka. Bakit? Nabubuhay na ba ang dugong nananalaytay sayo bilang Valiente?" sabi ni Amon na ikinaseryoso lang ni Hades.

"Kinukuha ko lang ang akin. Ang negosyo na iyon ay sa magulang ng Mama ko." sabi ni Hades.

"Huh! So pumupuwesto ka na rin tulad ng iba." sabi ni Amon.

"Na tulad mo? Huh! Hindi ako katulad mo Amon. At nandito ako para maningil sa isang gabing nakasayaw mo ang nobya ko. Alam kong may isang salita ka dahil isa kang Valiente. At ang kukunin ko ay akin, hindi ko hiningi, hindi binigay at hindi ko inangkin ang hindi akin."sabi ni Hades.

Natahimik si Amon, hindi siya nasaktan sa huling sinabi ni Hades dahil ang naalala niya ang Victoy Party. Matapos kasi ng kanta ng mga kagrupo niya agad na umalis si Katara na hindi man lang siya tinitingnan. Naiwan siya sa gitna ng dance floor na tila hangin lang na dumaan si Katara.

"Ayoko makapagsabi ng masakit, at makipag-away sayo o bigyan ng lamat ang pagiging magpinsan natin. Nandito ako para ilatag ang plano ko. Simulan ang lahat para makuha ang akin." sabi ni Hades.

"Hindi puwede pumasok ang mga escort sa ganoong negosyo. Nasa rules iyon ng kompanya at alam kong alam mo iyon. Ang escort ay para sa mga kliyente lamang ng Casa." sabi ni Amon.

Gen 4 Part 2 Infinity 2 : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon