BlissIce's Note:
Hello Dear Friends. Sorry if ngayon na lang ulit makaka-UD Very sorry for that. Na-on hold bigla ito. Sorry po. Anyways, thank you sa mga nagbabasa at magbabasa pa rin nito. Love you all. Mwuah Hugs! ^^
...♥...
QUEENIE’s POV
Umaga na. At nagising na kami ni Cristelle. Pinaghanda kami ni Mama ng almusal.
Pagkatapos kumain, sinabi ko kay Cristelle na maligo na siya para makauwi na siya sa kanila baka kasi hinahanap na rin siya. Binigyan ko siya ng damit para magamit. Pagkatapos niya maligo, hinatid ko na siya sa sakayan. Umuwi na ako para makaligo na rin.
Binilisan ko ang pagligo dahil alam kong hinahanap na ako nina Mommy.
Sumakay ako ng jeep at naglakad na mula sa kanto. Ito lang kasi yung alam kong daan papunta samin. Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa kanto na binabaan ko pero bigla na lang akong natumba. May umatras kasi na kotse eh. Di ko napansin. Nabangga tuloy ako.
“Sorry Miss, hindi ko sinasadya. Maxinne? O.o” nagulat siya ng makita niya ako.
“Maxinne?” tanong ko. Sino naman yun?
“Kuya, anung nangyayari?” rinig kong tawag sa kanya nung kapatid niya. Tama ba? Tinawag siyang kuya eh.
“Maxinne, ikaw nga!” sabay yakap pa sakin ni Mr. Stranger
“Kuya, ano ba?! Patay na si Ate Maxinne.” Lapit naman nung lalaki samin at sinubukan akong ikalas sa pagkakayakap ng kuya niya sakin. Nung kumalas na si Mr. Stranger. Nilingon din ako nung kasama niya. Yeah, right! Pati siya nagulat ng makita ako. Para silang nakakita ng multo.
“Dave, Hindi mo ba nakikita?!” sigaw nung ni Mr. Stranger dun sa kapatid niya.
“Nakikita ko kuya pero… Patay na si Ate Maxinne. Kamukha niya lang siguro.” sabi naman nung kapatid niya. Ako ay talagang naguguluhan na dito.
“Hindi! Siya si Maxinne.” pilit naman nitong si Mr. Stranger.
“Sino ka ba?”napatanong na din tuloy ako. Eh kasi naman, sila naman kasi eh. Ang gulo nila kausap. Ni hindi ko nga kilala ‘to si Kuya eh. Pero isa siya dun sa hinahanap kong tao.
“Wag ka namang ganyan Maxinne. Di mo na ba ako naaalala? Ako to si Dice.” sabi naman niya. Eh sino ba kasi yang Maxinne na yan? =_=
“Sino ka ba? Hindi kita kilala.” Eh sa hindi ko nga kilala eh. Ang kulit naman oh.
“Baby naman. Wag ka namang ganyan. Nasasaktan ako sa mga inaakto mo eh.” Waaah. Yayakap na naman siya sakin.
*slap*
“Pwede ba? Bitawan mo ako. Hindi kita kilala.” Naku. Sorry kuya ha! Nasampal pa kita. Eh kasi naman eh. Nakakadalawa na siya. Malay ko ba kung manyak pala ito na nananantsing. Aba anong malay ko? Baka ito bago nilang modus? Tapos kikidnapin nila ako saka ibebenta internal organs ko. Noooo!
“Kuya, tumigil ka na! Hindi siya si Ate Maxinne.” sabi nung Dave tapos lumapit siya doon sa kuya niya.
“Sorry Miss ha!” sabi naman niya sakin. Oh-oh! Mukhang may mali ata akong nagawa. Mukhang totoo naman yung sinasabi nila.
“Hindi to pwede eh.. Maxinne naman. Bat ka ganyan. Andaya mo naman eh. Bat mo ko iniwan?” sabi naman nung Dice sakin. As in sakin talaga? o.O Lumuhod pa talaga siya. Grabe naaawa ako sa kanya. Buti na lang wala masyadong tao dito sa street na ‘to.
“Kuya, tumigil ka na. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. It’s been 6 months since Ate Maxinne died. Paka-mature ka naman kuya. Could you just please accept the fact that Ate Maxinne is already dead!” sigaw na nung Dave. Naaawa talaga ako kanya. Naaawa na rin siguro yung Dave kay Dice kaya niya sinigawan.
“Tumigil ka na! Ayoko ng marinig pa na patay na si Maxinne. Ako ang pinapatay niyo sa paulit-ulit na pagsasabi nun. Sana ako na lang. Bakit kailangan ikaw pa? Bakit kailangan ang taong mahal ko pa? Bakit?!” sabi ulit ni Dice. Umiiyak na siya. Ano ba kasi nangyayari? Ano ba dapat kong gawin? Naman oh!
“Kuya, tumigil ka na. Tumayo ka na diyan. Uuwi na tayo sa bahay.” Aya ni Dave kay Dice. Pero ayaw pa rin niya tumayo eh.
“Uhmm. Pwede ko ba muna siyang maka-usap?” tanong ko kay Dave.
“Si-sige…”sagot naman niya sakin.
.....
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Ficção AdolescentePROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...