Chapter 2 {Number Three}

97 1 0
                                    

 BlissIce's Note:

Friends! Ito n po yung Chapter 2. Please read it. :D

Nasa gilid po si Brandon at Queenie. :D

...♥...

QUEENIE’s POV

“Andito na siya? Kailan pa?” nasabi ko na lang. Di ko na talaga alam. Kailan pa siya bumalik? Bakit hindi ko man lang alam? Andaming tanong sa isipan ko. Bakit siya--

“Huy! Ano meron?” nabalik naman ang diwa ko ng kinalabit ako ni bestfriend. Sasagutin ko ba? Okay lang naman siguro. Si bestfriend naman ‘to eh.

“Kababata ko,” huminga muna ako ng malalim atsaka muling sumagot “na nalayo sakin.” malungkot kong sagot sa tanong nya.

Di ko naman kasi talaga alam ang buong kwento. Ang alam ko lang, kinailangan daw nila mag-migrate papuntang America. Matagal tagal na rin pala ang nakalipas simula nung araw na yun. Ang araw kung kelan siya umalis. Ang araw kung kelan kami nagbitiw ng pangako sa isa’t isa. Sampung taon na rin pala ang nakalipas.

“As I was saying… This year, our project will focus on saving mother earth. It will be done by pairs.” nabalik ang atensyon ko sa harapan ngmagsalita muli yung teacher. Naku! Ito ang ayaw ko sa Science eh. Kailangan may IP.

“Yes!” sigaw ng ibang kaklase ko. Hmmm. Mukhang okay na din yung by pairs. Kasi sabi nila, last year daw individual. Imagine?! Individual? Hmmm. Speaking of by pairs.. Hehe.

“Hance Chase Villanueva, Besfriend! Kaw na lang partner ko.” Tiningnan ko siya ng may nagniningning na mata. Alam ko naming di ako matitiis nito eh.

“To be fair, the pairing will be done by draw lots.”

“What?!” reaction naming lahat. Paano ba naman kasi. Fair ba yun? Di naman eh. Mas mahihirapan lang kaming gumawa ng IP kapag di namin masyado kilala yung makaka-pair namin. Kakairita.

Hayy. Ito na yung papel. Bumunot ako atsaka nagdasal. Sana kami ang magka-pair ni Chase. At ang nabunot ko ay number 3. Ano kaya ang sa kanya?

“Those who got number 1, please stand up and stay here.” sabi ni Ms. Valdez. Naku. Di pala kami partner ni best. Sino kaya partner ko?

“Those who got number 2 stay there. Those who got number 3 proceed and stay here….” naku ito na. Sino kaya ka-pair ko. Sana mabait, masipag at higit sa lahat, matalino. ^^

Ahh. Lalaki ata ka-pair ko. Parang may kinukuha siya sa bulsa niya. Ano kaya yun? Hmmm. Nevermind na nga. Kailangan kong malaman kung sino siya. Makalabit na nga.

“Queenie?” “B-B-B-Brandon?” sabay naming sabi. Gulat talaga ako. Mukhang pati siya nagulat.

“Naaalala mo pa ko?” ooops. Hayy. Naku Queenie! Ang shunga mo talaga. Bakit mo naman yun tinanong? Naku!

“Syempre naman.” sagot niya sa tanong ko. Di nga?! Totoo? Natutuwa talaga ako. Kaya lang, di ko alam kung anong dapat kong isagot. Kailangan mong may masabi Queenie. Kahit ano! Mag-isip ka!

“Kailan ka bumalik? Tagal na nating di nagkita ah.” tanong ko na lang. Sa totoo lang, miss na miss ko na rin siya. Buti nga nagkita na ulit kami. Antagal ko na ring pinapangarap na magkita kami ulit nito ni Brandon. Si Brandon na first love ko at minamahal ko pa rin hanggang ngayon. All this time, siya lang talaga.

“Last Week lang. Kinailangan ko kasing bumalik para sa isang tao eh.” Ahh. Sino naman kaya yun? Siguro yung crush niya yun dati. Yung kapit-bahay nila. Alam ko nakwento niya nay un sakin dati eh. Na may nagugustuhan na raw siya. Parang may something na kumirot sa puso ko sa pag-iisip tungkol dun. Kung sabagay, maraming taon na rin ang lumipas. At alam ko, marami na rin ang nagbago.

“We still have time, so you can now plan on what to do. I’ll leave you here. I really need to attend a meeting. And oh! You may take your break after discussing.”bilin ni Ms. Valdez saka siya umalis.

....

When Destiny Played The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon