BlissIce's Note:
Hello friends! Pinost ko na rin po yung Chapter 5. Reason? Wala lang. Trip ko lang. XD READ. READ. READ. ENJOY! :D
Queenie and Chase on the side. ^^
…♥…
CHASE’s POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nina Queenie. Pinindot ko yung doorbell.
“Wait, sandali lang..” rinig kong sabi ni Tita atsaka niya binuksan ang pinto.
“Good Evening po Tita.” pagbati ko nang may ngiti.
“Andyan po ba si Queenie?” pahabol kong tanong.
“Wala pa eh. Pero tuloy ka muna Chase.” alok sakin ni Tita. Tumuloy naman ako. Bakit kaya wala pa si Queenie? Ang alam ko, ang usual na uwi nun 8:00 ng gabi dahil nga sa IP nila ni Brandon. Kaso 9:30 na pero wala pa rin siya.
Nakaraan muli ang limang minuto pero wala pa rin siya. Best, asan ka na ba? Nagulat naman ako nang mag-ring ang doorbell. Sana naman si Best na ‘to.
“Ako na lang po.” sabi ko kay Tita. Alam ko naman kasing busy si Tita sa kusina. Binuksan ko na ang pinto.
“Bestfriend!” napasigaw ako. Buti naman naka-uwi na siya. Pero bakit kaya siya pasan pasan ni Brandon?
“Oo, andito na ako.” sagot sa’kin ni Queenie. Hindi kaya?
“Ikaw ha?! Brandon! Anong ginawa mo sa besfriend ko?” pagtatanong ko kay Brandon. Mukha kasing pagod na pagod si Best. Baka kung ano nang ginawa ni Brandon sa kanya.
“Tss. Ang OA mo. I’m tired.” sagot ni Queenie sakin. Hindi ako OA, nag-aalala lang talaga ako para sa kanya.
“Brandon, Thank you.” lumingon siya kay Brandon at nagpasalamat.
“Wala yun. Sige una na ako.” sagot naman ni Brandon sa kanya. Nakita ko namang paakyat na siya sa kwarto niya.
“Gala tayo bukas Bestfriend ha! 1 pm.” pag-aaya ko sa kanya. Alam ko kasing stressed out si Best sa dami ng mga ginagawa niya at gusto ko siyang ma-relax. Umuwi na ako at natulog.
*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinggggggggggggggg*
Gumising ako ngayon ng mas maaga sa normal kong gising kapag weekends, 12nn. Oo! Maaga na yan. 2pm kasi ang normal kong gising kapag walang pasok. Kumain muna ako saka naligo. Mga 12:30 na rin ako natapos mag-ayos ng sarili. Pumunta na ako kina Queenie para sunduin siya.
“Ang cute nun Bestfriend oh! Gusto mo?” pangungulit ko ulit sa kanya. Ang cute naman kasi talaga. Hindi kami mayaman pero para sa bestfriend ko, handa akong gumastos. ^^
Hinila ko siya papunta dun kaya lang natumba siya. Ano kaya nangyayari dito?
“Uhmm, Bestfriend! I can’t breathe.” sabi niya yun sakin atsaka siya nawalan ng malay.
Queenie, ano bang nangyayari sayo? Binuhat ko siya at dinala papuntang hospital.
....
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Teen FictionPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...