BlissIce's Note:
So ayun, I'm back. Hello, friends! Musta na kayo? Hope you're still reading this. Lovelots. :">
...♥...
QUEENIE’s POV
Nakasakay ako ngayon sa kotse at kasalukuyang pauwi na. Bumaba ako sa convenience store malapit dun sa bahay ni Mama Ruth. Sabi ko sa driver, kaya ko na uuwi mag-isa. Umalis naman siya. Gusto ko lang maka-usap si Mama atsaka miss na miss ko na siya. Atsaka, magdadala ako ng mga picture ko para makita nina Kuya.
Bumili lang naman ako ng kaunting pasalubong kay Mama. Habang naglalakad, napadaan ako sa isang tindahan at nakita ko na may nakatambay na isang manong. Or should I say, kuya. Medyo bata pa naman kasi eh.
“Hi Miss.” rinig kong sabi niya. Malamang sa alamang eh ako ang tinutukoy niya. Wala naman kasing ibang naglalakad dito sa daan eh. Binilisan ko pa ng kaunti ang paglalakad kasi ramdam kong nakasunod na siya sakin.
“Miss, wag ka namang ganyan. Gusto ko lang makipagkilala eh.” sabi niya sabay harang sa dinaraanan ko.
*gulp*Napalunok ako bigla. “Ah sorry ah. Nagmamadali kasi ako.” sabi ko na lang sabay lakad pa rin.
“Miss naman. Saglit lang to.” Omo! Anong gagawin ko? o.O Mas ikinagulat ko ng bigla na niya akong hawakan.
“Uhmm.. bitawan mo ako.” sigaw ko. Can somebody please save me? T.T
“Hoy! Bitawan mo sya!”rinig kong sigaw ng isang babae. At umalis naman si Kuya. Kaso tumakbo siya at itinulak pa niya ako.
“Miss, ayos ka lang ba? Di ka ba nasaktan?” tanong niya habang tinatayo ako. Napa-angat ako ng ulo at nakita ko kung sino siya.
“Cristelle?” nasabi ko na lang. Kita ko naman na nagtaka yung itsura niya.
“Ha? Magkakilala ba tayo?” tanong niya ng nakakunot ang noo.
Inaya ko siyang umupo doon sa tapat nung tindahan. Grabe, di ko akalain na siya na ‘to. Ang ganda niya na lalo. Pumuti siya at sumexy. Humaba na rin yung buhok niya. Pero ang isang bagay na hindi nagbago sa kanya ay yung suot niyang ribbon sa ulo na bigay pa nung lola niya.
Tumungo ako kasi di ko naman alam kung paano magsisimula. Nahihiya ako sa kanya. Pero mas ikinagulat ko yung nakita ko sa kamay niya. Suot pa rin pala niya.
*flashback*
Nandito ako ngayon sa Tennis Court. Dito kasi ang tambayan ko tuwing summer. Wala lang. Minsan gusto ko lang maglaro minsan naman gusto ko lang manood. Nag-aayos pa lang ako ng gamit kasi katatapos lang ng practice game ko.
“Queenie, dalian mo nga dyan!” sigaw sakin ni Rio. Actually, gwapo yan. Crush ko nga yan eh. Kaso di na pwede, taken na eh.
“Sabay na tayong kumain ng lunch. Five minutes wala ka pa dito ikaw na manlilibre.” banta pa niya. Alam ko rin namang siya pa rin manlilibre eh. Kaya kinikilig ako diyan eh. Pero syempre hanggang crush lang, para ko na siyang kuya eh. Atsaka, siya pa rin eh.
“Opo. Andyan na po Lolo.” pang-aasar ko.
Pumunta naman na ako dun sa pa-exit. Alam ko kasing nandun na siya kanina pa at naghihintay.
“Sorry po kung natagalan” sabi ko habang medyo hinihingal hingal pa.
Lumabas kami at kumain sa Jollibee. Makaraan ang ilang minuto, dumating na si Dianne. At syempre, umalis na ako para naman makapag-solo sila.
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Teen FictionPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...