BlissIce's Note:
Hello friends! Na-post ko na po yung Chapter 1. So ayun, sorry ng mraming marami since antagal ko bago mag-update. Don't worry. Everyday na po akong may update from now on. Love you all. *hugs* Keep reading.
Nasa gilid po pala yung picture ni Chase, Brandon at Queenie.
...♥...
QUEENIE’s POV
Waaahh! Bagong school year na naman. Nag-ring na yung bell. Kailangan bilisan.
*takbo…takbo…takbo…*
*hah.. hah..* Bakit parang ang weird ng feeling ko ngayon? Nevermind na nga lang. Wooh! At least umabot. ^^
“Good Morning Class.” sabi nung teacher sa harap.
“Good Morning Ma’am!” sagot namin.
Malamang sa malamang. Class adviser namin ‘to. Sana hindi siya masungit katulad ng adviser ko last year. Naku! Ang sungit talaga nung dati. Palibhasa, Math teacher kasi siya.
“I’m Ms. Margareth Pelagius. I’m your class adviser and I’m here to give you your schedule.”
Wow. Kakaiba ata yung pangalan ng teacher na ito. Weird kung ikukumpara sa iba. Pero grabeng schedule talaga ‘to! From 7:00am to 5:50pm. Last year, 4:50 lang yung uwian. Hayy..
“We still have time, use it to go to your desired clubs.” pagpapatuloy niya after ibigay ang sched. Hmmm. AP teacher pala siya. Boring kaya ‘to magturo? Mukhang hindi naman. Sana nga.
“Yes Ma’am!” sagot naming lahat.
Ang pagpili ng club na sasalihan ang isa sa pinaka-mahirap gawin sa first day of classes. Kasi, kapag nakasali ka na sa club na yun. Whole year ka ng kasali sa club na yun. Last year nga sa Math ako nasali eh. Na-recruit lang ako ng di oras. Kasi naman, wala ng bakanteng slot sa ibang club. Pero naging masaya rin naman, though halos puro lalaki ang kasama namin dun. Speaking of boys, asan na kaya yung si Chase.
“Princess Queenie Royale!” ayy anak ng palakang baboy! Hayy. Ang hilig talaga nitong manggulat. Nakaka-inis! Oo! Ako nga yung babaeng may ganyang pangalan. Hindi kami mayaman though ganyan yung name ko. Nasa average type lang kami na family. Si Mama at ako lang ang magkasama. Namatay na daw kasi si Daddy before pa ako ipanganak.
*lubdub..lubdub*
Parang medyo masama ata yung gulat niya na yun sa akin ah. Syeet. Gulay. Ano ba tong nararamdaman ko? Parang bumibilis ata yung heartbeat ko. Parang hindi ako makahinga. Normal pa ba ‘to?
“Saang club tayo?” naputol naman ang pagmumuni-muni ko ng nagsalita ulit siya.
Sa wakas nawala na rin. Ang weird talaga.
“OA ha!” sagot ko.
Eh kasi naman, kailangan ba talagang whole name? Kaloka lang. Hmmm. Saan nga kaya pwede?
“H.E? Eco? Math?” suhestiyon ko.
Parang nagulat siya. Hmmm. Malamang ayaw niya. Hmmm. Saan nga kaya pwede?
“English? Drama? Glee? Eh! Foreign kaya?” tanong ko. Sana naman pumayag na siya. Mukhang maganda yung sa Foreign ngayon. Kasi balita ko may Nihongo na daw. Weee! Please pumayag ka!
“No, no, no, and another no!” sagot niya with matching kamay. Ayy. Grabe lang. Sayang naman. =_=
“Ano pa bang di ko nababanggit?” tanong ko ulit. Eh kasi naman. Parang lahat na ng club nabanggit ko. Wala pa rin siyang gusto. Hayy.
“Science!” sagot niya with energy.
“May choice pa ba ako? Lika na nga.” sagot ko na lang. Yan ang bestfriend ko. Si Chase. Medyo choosy yan pero kahit ganyan yan, mahal ko yan. Di ko nga yan natitiis eh.
*lakad.. lakad.. lakad..*
Hayy. Sa wakas, nakarating na rin kami. Andito kami sa Science club room.
“As you can see, I’m Ms. Alma Valdez and I will be this club’s adviser. For this year, we plan to…” biglang tumigil yung teacher.
“You! Mister…?! What’s your name?” mukhang may na-late ata. Patay!
“I’m Brandon Xavier Guevarra, I apologized for being late.” napalingon ako sa likuran.
“Sit down!” rinig kong sabi nung teacher.
Nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Totoo ba ‘to? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Sinundan ko rin siya ng tingin hanggang sa maka-upo siya. Napatulala ako. Hindi kaya siya nga?!
....

BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Teen FictionPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...