BlissIce's Note:
Hello friends! So, as I promised! Ito na po yung Chapter 6. :D Continue reading. ENJOY! Let me know if may mga errors ah. :D Vote. Comment. Fan. Dedicated 'to sayo beautifuljanine kasi.. andito ka! :D
…♥…
CHASE’s POV
Nandito ako ngayon sa Hospital. Dinala si Bestfriend sa ER. Di ko talaga alam anong nangyayari dito. Tinawagan ko na rin si Tita para sabihin sa kanya na nasa hospital kami ni Queenie.
“Tita!” pagtawag ko kay tita pagpasok niya ng hospital.
“Chase, anung nangyari?” tanong sakin ni Tita habang alalang alala. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong nangyayari ngayon kay Queenie.
Sakto! Lumabas na ang doctor sa ER. Nilapitan naming siya ni Tita.
“Ma’am I’ll be honest.” bumuntong hininga ang doctor.
“Matagal na pong maysakit yung anak niyo. Inborn disease po ang meron siya. Hypertrophic cardiomyopathy. Late pong na-diagnost dahil wala po siyang regular check-up. Na-trigger din po ito because of stress. And anytime na atakihin siya ulit, it may be the last. I’m suggesting the patient to stay here in the hospital para po ma-obserbahan natin siya. And sumama na lang po kayo sakin para sa result ng examination niya and para sa mga gamot na kailangan niyang inumin.” pagpapatuloy ng doctor. Sumunod naman si Tita sa kanya para nga dun sa result at sa mga gamot.
Di ko ‘to mapaniwalaan. Si Queenie na napakasigla ay may sakit? Paano ‘to nangyari? Pinuntahan ko siya sa room niya.
“Bestfriend naman eh!” sabi ko kay Best. Ito naman kasing si Best. May masakit na nga sa kanya, binabalewala pa rin.
“Ayos lang yan!” sagot niya sakin ng nakangiti at may masiglang boses. Ito talagang si Queenie, minsan ang sarap itapon. Siya na nga tong na-ospital, nakangiti pa rin at parang walang problema. Yan naman ang isang bagay na gusto ko sa bestfriend ko. Nakakangiti siya kahit may dinadalang problema.
“Pero, Best, Wag mo sana tong sasabihin sa iba ha.” paki-usap niya sakin.
“Promise!” sagot ko naman sa kanya ng nakangiti rin. Kahit ano pa yan Queenie, basta ikaw.
“Pero stay here and take your rest ha. I need to go home na. Bye Bestfriend. Dalawin na lang kita bukas.” pagpapa-alam ko sa kanya. Oo, dadalawin kita ulit bukas kaya kailangan mong magpagaling.
BRANDON’s POV
“You further know that today’s the start of the presentation of your IP’s. Group 1, Proceed here in front.” pagtawag ng teacher namin sa unang grupo. Lumingon lingon ako sa paligid pero hindi ko talaga siya makita.
“Is she absent? But why?” tanong ko sa sarili ko.
Natapos na magpresent ang lahat. Successful naman ang nagging presentation ko. Nagustuhan ni Ms. Valdez yung ginawa naming.
“Okay! That’s all for today. You may now go home.” sabi ni Ma’am Valdez. Dali dali naman akong lumabas at hinabol si Chase.
“Chase! Wait. Bakit absent si Queenie?” tanong ko kay Chase ng maabutan ko siya.
“Hindi ko alam.” walang ganang sagot niya sa tanong ko.
“Ganun ba?” sabi ko na lang. Alam kong hindi yun totoo. Alam kong alam niya kung bakit.
Sinundan ko si Chase sa pag-uwi niya. Nagulat ako nang pumasok siya sa isang ospital. Sinundan ko siya hanggang sa pumasok siya sa isang kwarto.
“Pagaling ka Bestfriend ha! Yan kasi eh. Nagkasakit ka tuloy.” rinig kong sabi ni Chase.
“May sakit si Queenie?” halos pabulong kong nasambit. Di ako makapaniwala. Si Queenie may sakit?
“Bye na Best. Alis na ako.” rinig kong sabi muli ni Chase. Di ko na narinig yung naapag-usapan nila dahil sa pag-iisip ko. Umalis ako mula sa pagkakasandal ko sa pinto. Hinintay kong makababa si Chase.
....
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Fiksi RemajaPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...