BlissIce's Note:
Hey friends! Andito na po ang Chapter 10. Hehe. READ! READ! READ! Read niyo rin po yung Short story ko. :D Salamat.
May miracle na nangyari. Ito ang first chapter na umabot ng second page. SAYA! ^^
Uhmmm. Sensya na po ah. Medyo fast-paced ang story. Kasi nga po, tapos na talaga 'to. Ine-edit ko na lang siya. Hehe. ^^
Ayy. Pakisabi sakin if may mga errors ah. ^^ VOTE. COMMENT. BE A FAN. ENJOY READING! *hugs*
...♥...
PRINCE’s POV
“Sino kaya ang babaeng yun? Humanda siya sakin bukas pag nagkita kami. Pagkatapos niya akong tuhurin…” Oo. Humanda ka talaga bukas. Makikita mo! Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa kayamanan ko.
FRANCHESKA’s POV
*kring*
Sa wakas. Nagbell na! Kailangan kong makauwi ng maaga. Maraming dapat gawin.
Lumabas ako agad ng classroom at biglang may humila sakin. Nilagyan nila ng panyo ang bibig ko. Gulay! Ano ba ‘to? Holdapan sa loob ng school? Nagpumiglas ako kaso lang biglang nagdilim ang paligid.
Nagising na lang ako sa isang kwarto. Saan ‘to? Sa itsura ng mga gamit, mukhang storage room. Teka! Nasa-school pa ba ako? Lumingon lingon pa ako sa paligid at nagmasid nang biglang may boses akong narinig…
“Dahil sa ginawa mo kahapon,” teka, parang kilala ko kung kaninong boses yun ah.
“Simula ngayong araw na ito. Slave na kita.” sabi ni Prince sakin habang nakangiti. Oo. Kilala ko na siya. Kinuwento nina Rhian sakin ang lahat ng pwede kong malaman sa kanya. Kinuwento nila kahit alam nilang hindi ako interesado. Hmmm. Hindi nga ba? Pero ano nga daw yung sinabi niya? Slave niya?
“Ha? Ano ka sinuswerte?” sigaw ko sa kanya.
“Kung ayaw mo, eh di wag. Pwede lang naman kitang i-drop ng school. Eh, di ba scholar ka dun?” paghahamon niya. Anak ng tipaklong, paano niya nalaman yun. Naman!
“Ang sama mo… You’re a jerk.” halos naiiyak kong sabi. Eh kasi naman… mapipilitan pa akong maging slave.
“I don’t care..” mataray niyang sabi atsaka ako iniwan dun.
Kinalagan na rin naman ako nung mga tauhan niya slash barkada niya. At nakauwi rin naman ako ng ligtas.
Yey! Tapos na naman ang isang araw ng pasok. Uwian na! ^^ Nag-aayos ako ngayon ng gamit.
Yabang calling…
Anak ng… mang-iistorbo pa ‘to! Andami dami ko pang kailangan tapusin na requirements eh. Sagutin na nga lang ng matapos na.
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Teen FictionPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...