Chapter 11 {Ha? Sino ka ba?}

44 0 0
                                    

BlissIce's Note:

Hi friends! This is it! Ito na po ang Chapter 11. Hehe. medyo mahaba ata 'to. Anyways. Pakibasa na lang. *hugs*

ENJOY READING! :D

...♥...

QUEENIE’s POV

Nandito na kami ni Ches sa kanila. Hayy. Mabuti na lang talaga pumayag siya. At least, di ko na poproblemahin pa kung saan ako titira.

“Sila nga pala sina Rhian at Monica. Roommates ko and at the same time, bestfriends ko. Guys, Meet Queenie.” pakilala ni Ches sakin ng mga kaibigan niya.

“Correction, Girls!” sabi naman nung Monica.

“ Hi, Queenie!” nakangiti naman nilang bating dalawa.

“Ayos lang yan. Mapagkakatiwalaan naman yang dalawang yan.” sabi ni Ches sakin. Siguro, napansin niya ang pagka-ilang ko sa kanilang dalawa.

“Anong mapagkakatiwalaan naman? Mapagkakatiwalaan talaga kami noh!” sabi ni Rhian. Narinig niya ata yung sinabi sakin ni Ches. Well, mukha namang totoo yung sinasabi ni Ches. Di naman sila mukhang masasama.

“Oo nga. Tama si Rhian.” pagsesegunda naman ni Monica.

“Oo na. Oo na. Pero Queenie, ano nga pala ung sasabihin mo?” tanong sakin ni Ches ng seryosong seryoso.

Ikinuwento ko sa kanila lahat. Simula sa pagkaka-ospital ko. Pagtakas ko, or should I say, namin ni Brandon. Hanggang sa pagkamatay ko. Pati yung usapan namin ni God. At ang pinakamahalaga sa lahat, ang misyon ko.

“Hindi nga? Ibig mong sabihin patay ka na talaga at…” hysterical na tanong ni Rhian.

“Oo nga. Kailangan i-repeat?” putol ni Monica kay Rhian.

“Tss. =_= Ang iingay niyo talaga. Pagpasensyahan mo na lang sila ah.” sabi sakin ni Ches.

“Ayos lang noh! Na-miss ko tuloy yung Bestfriend ko.” Maluha-luha kong sabi

Nagkwento pa ako sa kanila tungkol sa maraming bagay. Sa buhay ko, namin ni Bestfriend, at syempre ni Brandon.

“Sa School ka rin pala namin nag-aaral.” pag-ulit ni Rhian sa sinabi ko. Haha. Nakakatuwa talaga ‘to si Rhian.

“Kung gusto mo… isama ka na lang namin bukas. Di ba sabi mo dun mo makikita yung unang taong hinahanap mo?” pag-aalok ni Monica.

“Yeah. Pero baka naman nakaka-abala ako.” sagot ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi, nakitira na nga ako sa kanila, tutulungan pa nila ko.

“Hindi noh! Ayos lang yun.” sabi naman ni Cheska. Grabe. Ambabait talaga nila. ^^

*kring*

Weeeee! Na-miss ko din pumasok ng school. Pero sit-in lang ako. Syempre, alam niyo na. ^^ At sa wakas, break na! Papunta kami ngayon sa Canteen. Na-miss ko kumain ng Baked Macaroni. ^^

“Cheska!” rinig kong tawag ng isang lalaki kay Cheska sabay lapit dito. Teka, parang nakita ko na siya somewhere. ~_~

“Oh bakit? Ano na naman? Atsaka bakit Cheska?” rinig kong sagot ni Cheska.

Ah! Naalala ko na. Isa siya dun sa mga taong kailangan kong hanapin.

“Bili mo kong kape. Dyan lang oh!” utos niya kay Cheska.

“Oo na. Saglit.” inis na sagot ni Cheska sa kanya atsaka umalis.

“Anong pangalan nun?” pagtatanong ko. Kailangan kong malaman ang pangalan niya.

“Prince Daryll Cortez” sagot naman sakin ni Monica.

Prince Daryll Cortez....

Prince Daryll Cortez....

Prince Daryll Cortez....

Pinaulit-ulit ko sa utak ko ang pangalan na yun.

“Bakit, gwapo ba?” rinig kong tanong ni Rhian.

Naaalala ko na! Yan yung sinabi ni Mama na pinsan ko daw. Gustung-gusto ko talaga siya makita kasi ni isang kamag-anak naming wala pa akong kilala. Atsaka ako tumakbo paalis. Kailangan kong maka-usap si Mama.

“Queenie! San ka pupunta?” sigaw ni Rhian. Narinig ko yun pero di ko na lang siya pinansin. Kailangan kong magmadali.

*dingdong*

“Wait lang.” rinig kong sabi ni Mamapagkatapos kong i-ring yung doorbell. Na-miss ko na yung boses ni Mama.

*hah*hah*Ma!”  hinihingal kongsabi sabay yakap kay Mama. Miss na miss ko na siya.

“Ha? Sino ka ba?” pagtatanong niya sabay tanggal ng kamay ko na nakayakap sa kanya.

Nalungkot ako. Oo nga pala. Hindi pa nga pala alam ni Mama.

“Ako to Ma. Si Queenie.” sinabi ko ito sa kanya ng may seryosong tono at titig sa mata.

“Queenie? Ikaw nga ba yan?” tanong niya sakin. Buti naman at napakiramdaman niya ako kahit wala ako sa sarili kong katawan. Nakakalungkot.

“Oo Ma. Ako to.” sagot ko. Pumasok kami sa loob atsaka naupo sa living room para mag-usap.

....

When Destiny Played The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon