BlissIce's Note:
Hello Friends! Kamusta yung last kong UD? Ayos ba? Haha. Well, need ko lang ng feedbacks. XD Pakiabangan po ang upcoming story. Pag natapos na ako dito, I'll start that one. ^^
...♥...
DICE’s POV
Panaginip ba ito? Kasi kung oo, ayaw ko ng magising. Nandito ngayon ang isang babaeng magpasa-hanggang ngayon. Mahal na mahal ko pa rin. Parang bumalik lahat ng sakit. Akala ko umo-okay na ako eh. Yet, isang kita ko lang sa kanya balik na lahat ung pain.
Pero bakit di niya na ako kilala. Sinampal pa niya ako. Siya ba talaga ito? Pero hindi ako pwedeng magkamali, siya talaga si Maxinne. Ang babaeng mahal na mahal ko. Ang sakit sakit umasa na sana siya na nga ‘to. Na sana siya talaga yung kaharap ko. Na sana buhay pa siya ngayon at panaginip lang yung dati. Masakit pero di ko maiwasan na hindi umasa. Umaasa ako kahit alam kong imposible.
“Dice right? Uhmm. Gusto ko lang ipa-alam sayo na…” narinig kong bumuntong-hininga yung babae na kamukhang-kamukha ni Maxinne. Ayaw ko naman lokohin ang sarili ko kasi alam ko naman na patay na talaga siya. Pero bakit kasi ganun? Kamukha niya talaga.
“Patay na rin ako…” Ha? Ano daw sabi niya? Patay na rin siya?
“What do you mean?” gulat kong tanong.
“Maaring hindi ako ang sinasabi mo. Pero pwede ang katawang gamit ko ngayon.”
“Ha?” natanong ko.
“Binalik ako dito sa Earth para hanapin ang mga taong parte ng buhay ko na hindi ko pa nakikilala. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ikaw ang pangatlo. Siguro nga, ang katawang gamit ko ngayon ay ang katawan ni Maxinne.Pero, alam mo, hindi ako siya. Kasi-”
“Si Maxinne…” putol ko sa sinasabi niya. Nakita kong nagulat siya.
“Maganda, Mabait, Sweet, Makulit, (napangiti) Pinapantasya ng marami, Perfect na kumbaga. Pero nagkasakit siya, at hindi nagtagal, nilamon siya ng sakit nyang yon at tuluyan na ngang namatay. Ako? Ako lang naman ang Boyfriend niya na mahal na mahal siya na wala man lang nagawa para mapigilan ang pagkamatay niya.” Oo. Wala akong nagawa kasi hindi ko kaagad nalaman. Pero alam ko naman na tama si Maxinne. Na kahit malaman ko iyon ng maaga. Wala pa rin namang magbabago. Na maipapakita ko lang kung gaano ako kalungkot tuwing magkasama kami. Na may lilimita sa kasiyahang nararamdaman naming pareho.
“You know what?! You can’t prevent death from occurring. Pag oras niya na, Oras niya na.” sabi niya.
“Alam ko yan. Pero.. mahirap lang talagang tanggapin na ang taong bumubuhay sakin… ay wala na. She’s everything to me. But now she’s gone. Everything’s gone.” Yeap. My everything is gone.
“Alam mo, kung nasaan man siya ngayon. Nakakasigurado ako na masaya siya dun. Atsaka, sa tingin mo ba kung nakikita ka niya ngayon, matutuwa siya sa ginawa mo sa sarili mo? Look at yourself. You’re drunk. And you even dare to move that car. Gusto mo bang makapatay?” nagsesermon ba to?
“Look. It’s not like, I know everything between you two, but I just wanna say Learn to let go. Don’t stick yourself with the past. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Learn to Move on.Just accept the fact that she’s dead, and then it may help to ease your pain. ‘Cause as time goes by, the pain will disappear. Accepting is one way to ease that pain.Because it’s not about trying to fix something broken; it’s about starting over, and creating something better.”Tama siya. Lord, ito na ba yun? Yung sign na matagal ko ng hinahanap. Yung sign na panahon na para mag-move on ako at maging masaya. Maxinne, naririnig mo ba ako? Pinadala mo ba siya rito para tulungan akong maging masaya?
BINABASA MO ANG
When Destiny Played The Game
Novela JuvenilPROPERTY OF// BlissIceCrestfall. What are you going to do when you unexpectedly died but it’s not yet your time because you haven’t accomplished your mission yet? This story is about a girl who suddenly died but returned again to earth because of he...