Chapter 17 {The Story Behind}

30 0 0
                                    

BlissIce's Note:

Hello. Another UD. Mga 4 chapters na lang and tapos na 'to. I'm planning to start a new story kasi. :-D So as always, Happy Reading Friends.   

...♥...    

DAVE’s POV

Ako na pumi-POV dito. Awang-awa na talaga ako kay Kuya, 6 months na siyang ganyan. Simula ng mawala si Ate Maxinne sa kanya, ganyan na siya. Kaya nga lagi niya akong kasama eh. Kasi lagi na lang siyang umiinom. Nagsimula ang lahat 2 years ago.

*flashback*

“DAVEEE” sigaw ni Kuya pagpasok ng bahay.

“Bakit parang ang saya mo kuya?” tanong ko.

“Dave, sinagot na ako ni Maxinne. Sa wakas! WOOOOOH!” sigaw pa ulit ni Kuya.

“Kuya naman. Sssh. Wag ka masyadong maingay. Congrats kuya! So, ano? Pakain ka naman diyan.” kantyaw ko sa kanya. Sa totoo lang, di naman ganun kalayo agwat namin ni Kuya, 3 years lang agwat namin.

“Sige, Dave. Magbihis ka. Sa labas tayo mag-dinner. Sama ko na rin si Maxinne.”

Aba, tinotoo? Ayos lang. Minsan lang naman to eh.

Naging masaya sila ni Ate Maxinne. Simula nun, lagi ng nakangiti si Kuya. Di niya na rin ako sinusungitan. Lagi silang lumalabas ni Ate Maxinne. Minsan nga sinasama pa nila ako. Naging close ko na rin si Ate Maxinne. Isang taon na rin sila.

Isang araw, pumunta kaming Tagaytay para mag-picnic. Grabe. Ang ganda nga ng view eh. Kita mo yung Taal Lake. Tapos ang lamig pa.

“Teka lang, alis muna ako ah. Babalik din ako agad. May bibilhin lang ako.” Paalam ni Kuya samin atsaka humalik sa noo ni Ate Maxinne. Sila na sweet.

“Dave” rinig kong sabi ni Ate Maxinne.

“Bakit po?” tanong ko.

“Pwede ba kitang pagkatiwalaan?” tanong niya. Nakikita kong may gusto siyang sabihin sakin na importante.

“Oo naman po. Tungkol po ba saan yan?” tanong ko.

“Mangako ka muna na kung anong sasabihin ko ngayon sayo hindi mo sasabihin kay Dice.” sabi niya. Kinakabahan ako.

“O-opo!” sabi ko na lang. Pakiramdam ko kasi kailangan ko yun malaman eh. Kuya, ngayon pa lang nagso-sorry na ako.

“Si Dice, mahal na mahal ko yan.” tinitigan ko lang siya. Ang swerte talaga ni Kuya sa kanya.

“Siya lang ang lalaking mamahalin ko buong buhay ko or should I say siya lang ang lalaking minahal ko sa buhay ko.” sabi niya. At nilingon ko yung direksyon na tinitingnan niya. Wow! Ang ganda. Medyo palubog na din pala yung araw. Kung tutuusin, hindi na masakit sa mata yung sikat ng araw. Kaya ang ganda talaga ng view. Paglingon ko ulit kay Ate Maxinne, nakita ko namang umiiyak siya.

“Ate, bakit ka po umiiyak?” tanong ko.

“Ah. Umiiyak na ba ako? Hehe. Ano ba yan? Di ko man lang alam.” Sabi niya sabay tawa pa, kaso lalo lang lalo siya naiyak.

“A-ate Maxinne”

“May sakit ako at malapit na akong mawala sa mundong ito.” Pinilit niyang ngumiti habang sinasabi yun pero I can see the pain in her eyes.

“Malala na daw sabi ng Doctor. Anytime pwede na akong kunin. Dave, masyado kong mahal ang kuya mo na hindi ko kayang lisanin ang mundong ito at iwan siya. Pero hindi ko naman na mababago yung kapalaran ko eh. Wala na akong magagawa. Sinubukan kong labanan ito. Sinubukan ko kasi gusto ko mabuhay kasama si Dice. Ayaw ko siyang iwan pero kailangan. Dave, ikaw na an bahala sa kuya mo. Wag mo siyang papabayaan.”

When Destiny Played The GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon